Matteo Guidicelli denies breakup with girlfriend Maja Salvador; says being busy with work and sports is good for their relationship

IMAGE Rose Garcia

“I think it’s good for a relationship. Being busy, it’s very, very good. Because it keeps the mystery and sparks alive,” says Matteo Guidicelli about his and girlfriend Maja Salvador’s busy work schedules. Aside from hosting and acting, Matteo is also preoccupied with training for a big triathlon event next month.


Kahit ilang linggo lang ipinalabas ang Promil i-Shine Talent Camp, na-enjoy raw talaga ni Matteo Guidicelli, isa sa mga hosts ng show, ang talent search na ito para sa mga bata.

“I think, mga almost one month lang talaga, every Saturday. Pero, maganda talaga.

“Nakikita namin yung involvement ng mga bata,” ani Matteo, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa after-party ng show, na ginanap sa 14th floor ng ELJ Building kahapon, July 28.

“Of course, working with ABS-CBN and Promil Pre-School, yung nourishment at buildup ng talents nila, and everything like that.”

Dugtong pa niya, “When they all came in, they are all makulit.

“Although makulit pa rin sila, but every week, nakikita namin na talagang they improve in acting, singing, dancing, and hosting.

“Talagang nag-improve every single week with all the different mentors dito sa ABS, with the help of different workshops from Star Magic. So, malaking difference talaga.”

Natuwa naman si Matteo na ang pitong-taong-gulang na si Lukas Enrique Magallano ang naging Grand i-Shiner, dahil tulad niya, Cebuano rin daw ito.

“Nakaka-proud talaga. Although, showbiz na siya kahit noong unang pumasok siya,” natatawang pagbabalik-alaala niya tungkol kay Lukas.

“Makikita mong talagang marunong magsalita, marunong maggalaw.

“Talagang importante, at sabi nga ni Direk Bobot [Edgar Mortiz], nag-e-enjoy talaga sila sa ginagawa nila.

“So, proud talaga ako sa kanilang lahat, and all of them are really fun and talented,” patuloy ng 23-year-old Cebuano-Italian car racer turned TV personality.

Umaasa naman si Matteo na mabibigyan pa siya ng ABS-CBN ng panibagong hosting job.

Hiling niya, “Sana may season two ang Promil Pre-School i-Shine.”

TRIATHLON FANATIC. Pero bukod sa pagho-host, ginagawa rin ni Matteo ang teleserye niyang Isla.


Sinasabing sa Isla ay mabibilad nang husto ang magandang pangangatawan ni Matteo ngayon.

Malaki raw talaga ang nagawa ng bagong sport na kinalolokohan niya: ang triathlon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang larong triathlon ay kinapapalooban ng tatlong uri ng sports sa isang buong karera—running, swimming, at cycling. Hindi lang sa bilis nagkakatalo ang mga nagsisisali sa larong ito, kundi pati na rin sa endurance at stamina.

“ I have a big race in Cebu, next month, the Ironman. So, talagang pinaghandaan ko yun.”

Ang Cobra Ironman 70.3 Philippine Triathlon ang tinutukoy ni Matteo. Isa itong international triathlon na gaganapin sa August 5.

“My last race was in Hawaii and next one is in Cebu. It’s a big event in the Philippines.

“Buong mundo ang maglalaban, and there are other professional [triathletes] from other countries coming in, and they’re gonna race next month in Cebu.

“I’ll also represent the Philippines with other athletes in October for the World Championships. It’s another triathlon event.”

Ang Ironman World Championships sa Kailua-Kona, Hawaii, naman ang tinutukoy dito ni Matteo.

Sa October 13 gaganapin ang nabanggit na international triathlon event.

Pero paano nga ba niyang napagsasabay ang showbiz commitments at pagta-triathlon niya?

“Actually, yun, nagkamali ako,” pag-amin ni Matteo.

“Two weeks ago kasi, nag-taping ako, tapos napuyat ako. I trained. So, nilagnat ako for four days.

“Bumaba ang iron level ko. Grabe, I was sick for one week,” pagtatapat ni Matteo.

“So, discipline lang, time management, yun naman ang importante.”

Pero malinaw raw kung ano ang priority niya.

“Siyempre, priority naman ang work, and everything follows.

“But, sportsminded talaga ‘ko. So, I always have to keep that with me.”

MAJA’S INSTAGRAM POST. Napangiti at naging matipid naman sa kanyang mga pahayag si Matteo nang usapin sa pag-ibig ang naging topic.

“Ok naman, masaya. Kasi, katatapos lang natin dito. At yun, masaya naman lahat.”

Hangga’t maaari raw sana ay sa katatapos lang na Promil i-Shine Talent Camp ang topic ng interview.

Pero bago pa nagsimula ang interview, nagsabi na ang PEP sa kanya na tatanungin din siya tungkol sa kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan kasi’y nag-post ang girlfriend niyang si Maja Salvador sa kanyang Instagram account ng nakakaintrigang picture.

Sa nabanggit na photo-sharing social networking site, nag-post si Maja ng tila screenshot ng isang Twitter post.

Ang nakalagay na tweet sa screenshot: “I don’t know why they call it heartbreak. It feels like every part of my body is broken too.”

Sagot agad ni Matteo: “Wala, wala akong masabi ro’n. Dito muna tayo sa i-Shine.”

Pero kumusta na ba talaga sila ni Maja?

“We’re happy. Everything’s fine,” nakangiti niyang sagot.

“She’s busy with her work, and me also, I’m busy training for this Ironman,” banggit uli niya sa sasalihang triathlon event sa darating na Agosto.

“So, that’s what’s taking up my time. I sleep early because I have to get up at five o’clock in the morning, every day.

“And she’s concentrating with her soap Ina, Anak, Kapatid, at palagi sila nagti-taping. Malayo [lugar] pa ang taping nila,” pagbabalita ni Matteo tungkol sa pinagkakaabalahan ng kasintahan.

Pero sa tingin niya ba’y nakaapekto sa relationship nila ang pagiging sobrang busy nila pareho?

“I think it’s good for a relationship. Being busy, it’s very, very good.

“Because it keeps the mystery and sparks alive,” sagot ni Matteo.

May oras pa rin ba sila para mag-date?

“Yes. We we’re together in The Healing premiere,” sagot muli ng binata.

Pinasinungalingan niya rin ang mga usap-usapang nag-break na sila ni Maja.

Natatawa pa niyang pakiusap, “Wag na… Basta, masaya rito sa i-Shine po!”

Biro pa niya, masaya at malungkot daw ang puso niya ngayon.

“Opo, masaya. Peo malungkot din, kasi tapos na kami rito sa i-Shine,” pilit pa ring paglilihis ni Matteo ng usapan sa katatapos niyang show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN