What did Kim Chiu, Maja Salvador, Enchong Dee and Xian Lim learn from their veteran co-stars?

IMAGE Noel Orsal


(L-R) Enchong Dee, Maja Salvador, Kim Chiu and Xian Lim are thankful for all the advice that two of their veteran co-stars— Cherry Pie Picache and Janice de Belen— gave them as they worked together in ABS-CBN's primetime drama, Ina, Kapatid, Anak.


Malaking bagay para kina Kim Chiu, Maja Salvador, Enchong Dee at Xian Lim na punahin ng mga beteranong co-stars nila ang kanilang performance.

Magkakasama ang apat sa primetime drama series ng ABS-CBN, Ina, Kapatid, Anak, na nagpa-presscon kagabi, Enero 8, para sa book 2 ng kanilang programa.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naimbitahan sa naturang presscon na ginanap sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

SEEKING ADVICE. Naniniwala ang apat na Kapamilya stars na iba talaga ang naging training ng mga artista noon, kung saan sariling sikap ang pag-aaral sa kani-kanilang mga role at script.

Sinabi nina Enchong at Kim na nagmarka sa kanila ang mga pangaral mula kay Cherry Pie Picache.

Naunang nagsalita si Enchong, na bukod sa programang ito ay nakasama rin ni Cherry Pie sa 2012 Metro Manila Film Festival entry na The Strangers.

Natutunan niya raw ang pagpapahalaga sa bawat role na ibinibigay sa isang artista.

Aniya, “Kung may ibibigay sa ‘yo na role na panibago, kakaiba, itodo mo na, ‘wag ka na mag-hold, ibigay mo na.

“Kasi ‘yong mga gano’ng role bihira lang dumadating sa ‘yo. So triple your effort, even four times, five times, ‘yon ang payo niya.”

Madalas naman na magkaeksena si Kim at Cherry Pie, dahil mag-nanay ang kanilang karakter sa teleserye.

Masasabi ni Kim na maganda ang batuhan nila ng linya ng beteranang aktres, dahil na rin tumatayo itong pangalawang direktor para sa kanya.

Kuwento niya, “Mayroon kaming direktor, pero parang siya, ‘Anak, ito ganito, ha, ‘wag mo na kayang sabihin ‘to, kasi mas maganda ‘yong dito ko na lang ibigay, e.’

“Parang gano’n na sa bawat eksena namin nagtutulungan kami. Kaya ‘yong mother-daughter batuhan namin parang ang gandang pakinggan.

“Kasi [minsan], ‘Anak, oh, pag-aralan mo maige ‘yong script ha. Kasi para sa atin ‘to,’ ‘yong ganyan. ‘Moment mo ‘to,’ sabi niya, ‘malalaman mo na ang katotohanan!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa bawat eksena hindi siya nagpe-fail na mag-advise sa akin kaya gano’n ang kinalabasan ng eksena.”

Para kina Maja at Xian naman, malaki ang pasasalamat sa mga paalala na ibinibigay ni Janice.

Si Maja ang madalas na makaeksena ni Janice, dahil mag-ina ang kanilang mga karakter.

Malaki ang pasasalamat ng batang aktres kay Janice dahil hinahayaan daw siya nitong mag-“shine” sa bawat eksenang ginagawa nila.

Pag-alaala ni Maja, “Grabe po talaga! ‘Yong mga eksena, kung napapanood niyo po, sobrang after ko siya maka-eksena ang saya-saya ng pakiramdam ko.

“‘Yong alam ko na inaalalayan din ako ni Miss J [Janice] bawat eksena, pinagbibigyan ako, ‘yong talagang pagdating sa mga eksena hindi niya hahayaang siya lang ‘yong magsa-shine, talagang bigayan.”

Habang si Xian naman, nagpapasalamat sa mga paalala na binibigay ni Janice sa kanya kahit pa hindi sila madalas magkaeksena.

Ani Xian, “Ang isang nagmarka sa akin, ‘yong usap namin ni Miss Janice a few months ago. She always tells me to relax, don’t think too much.

“Kasi nakikita rin sa eksena na masyado akong nag-iisip, masyado akong inuunahan ng utak ko, sabi niya, [dapat] gamitin ko ‘yong puso.

“Tapos in real life din binibigyan niya ako ng pointers, in just being myself, live each day [one at a time].”

Lubos naman ang saya nina Janice at Cherry Pie matapos marinig ang mga sinabing ito ng apat na batang artista.

Nagpapatunay lamang ito na ang talento ay nalilinang nang husto kapag pinagsama-sama ang patitiyaga, dedikasyon, at pagkakaroon ng bukas na isip para sa opinyon ng mga tao sa iyong paligid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN