Georgina Wilson joins OPM bands in a tour around Philippines

IMAGE Noel Orsal


In Photo are (L-R) Mcoy Fundales (Kenyo), Teddy Corpuz (Rocksteddy), Keanne Cipriano (Callalily), 2013 Calendar Girl Georgina Wilason, GSMI Marketing Manager Nelson Elises and Jugs Jugueta (Itchyworms). Georgina and the five band vocalists will give out non-stop music, fun, and prizes in the 15-leg tour of Ginuman Fest.


Isa na namang pagtitipon na puno ng musika ang aabangan ng marami sa ikalawang taon ng Ginuman Fest ng Ginebra San Miguel.

Ito’y bilang “pasasalamat” nila sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanilang produkto.

Makakasama sa 15-leg tour na ito ang ilang band brand endorsers, tulad ng Itchyworms, Kenyo, Callalily at Rocksteddy.

Siyempre, hindi rin papahuli ang ilang brand ambassadors nilang sina Anne Curtis, Maja Salvador, Solenn Heusaff, at Georgina Wilson; at makikiindak rin sa kanila ang It’s Showtime host na si Jhong Hilario.

Magsisimula ang kanilang 15-leg tour sa Tarlac City sa darating na Enero 19.

Ito’y susundan sa Pebrero 1 sa Davao; Pebrero 16 sa San Fernando, La Union; Pebrero 23 sa San Pedro, Laguna; Marso 1 sa Cebu; Marso 9 sa Antipolo; Marso 16 sa Pampanga; Marso 22 sa Tuguegarao, Cagayan; Abril 12 sa Kalibo, Aklan; Abril 19 sa Damariñas, Cavite; Abril 26 sa Lipa, Batangas; Mayo 17 sa Solano, Nueva Vizcaya; Mayo 24 sa Lucena, Quezon; Mayo 31 sa Naga, Camarines Sur; at huli’y sa Hunyo 8 sa Metro Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN