How Maja Salvador stays updated even on the go

IMAGE Courtesy of Coby

Maja Salvador feels grateful for having handy gadgets. Through them, she is able to give and get updates about herself, especially when she is billeted for long hours on the set of her show Ina, Kapatid, Anak.


Inamin ni Maja Salvador na hindi siya puwedeng umalis ng bahay na hindi dala ang kanyang gadgets.

Hindi na nga raw sapat na cellphone lang ang mayroon siya, kaya naman napakalaking bagay nang magsimulang sumikat ang tablets o iyong mga handy touch screen gadgets na may features na ng isang laptop.

Dahil sa kahiligan sa bagong teknolohiya, hindi na nagdalawang isip si Maja na i-endorse ang Coby, isang brand ng tablets na kamakailan lang ay ni-launch ang bago nilang produkto na may analogue TV feature.

Kuwento ni Maja sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kung nanonood kayo ng Ina, Kapatid, Anak, doon namin ni-launch ‘yong Coby with analogue TV.

“Tapos ‘yon, siyempre nakakatuwa na hindi ka na lang… ‘yong tablet mo kumpleto na.”

USEFUL APPS. Bukod sa built-in TV, nagagamit niya rin daw ang ganitong mga gadget para ma-view ang mga ini-e-mail sa kanyang scripts.

"[Kapag] may ino-offer sa akin na movie, so sinend [send] sa akin sa e-mail, so doon ko binabasa.

“Minsan, 'di ba, kapag may mga bagong offer, tapos hindi kaya ang sched sa meeting, so pinapadala through e-mail.

“Tapos minsan nagda-download ako ng mga movies, para kunwari kapag tengga ka sa set, makakanood ka o kaya magda-download ka ng mga games, mga applications na… ‘yong mga games tapos makakapaglaro ka, ganyan.”

STAYING CONNECTED. Ginagamit din daw ni Maja ang kanyang gadgets sa pagsi-share ng photos sa kanyang Twitter at Instagram accounts.

Dahil nga raw dito, na-a-update niya ang kanyang mga fans sa kung ano'ng bagong project niya, at iba pang commitments na puwede nilang puntahan.

Kaya naman laking pasasalamat ni Maja sa iba’t ibang gadgets dahil kahit on the go siya, lagi pa rin siyang updated.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN