COUPLE OF THE WEEK: Maja Salvador and Gerald Anderson love against all odds

IMAGE Allan Sancon/ Noel Orsal


Maja Salvador (right) and Gerald Anderson’s (left) relationship started in a bad light: friendship was sacrificed and people reacted negatively to their blossoming love. Yet Maja and Gerald decided to stand their ground and fight for the love they believe is “worth fighting for.”


"You and me against the world"— ganito nagsimula ang relasyon nina Maja Salvador at Gerald Anderson.

Mayroong mga nasaktan, pagkakaibigan na naapektuhan, at negatibo ang naging pagtanggap ng publiko— pero pinili nilang hamakin lahat at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Hinuha ng ilan, ang matinding pakikipaglaban na ito ay dahil na rin sa masakit na pinagdaanan nila sa kanilang mga nagtapos na relasyon.

Agosto 2012 nang aminin ni Maja na nagtapos na ang isang taong relasyon nila ng aktor na si Matteo Guidicelli.

Habang si Gerald naman ay nabigo sa kanyang panliligaw sa Pop Star Princess na si Sarah Geronimo.

At ngayong inamin nina Maja at Gerald ang kanilang relasyon sa publiko, babalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papaano nagsimula ang “against all odds” na pagmamahalan nila.

IT STARTED WITH A TRIP. Nagsimulang maging maugong sa publiko ang nagsisimulang pagkakamabutihan nina Maja at Gerald dahil sa isang larawan.

Kumalat kasi sa iba’t ibang social networking sites ang larawan nila na magkasama, na kinunan sa isang restaurant sa MisibisBay, sa Cagragay island, Bacacay, Albay.

Bukod pa doon ay sinabing sabay silang nagpunta ng MisibisBay.

Binigyang-linaw naman ito ni Maja sa thanksgiving presscon ng Ina, Kapatid, Anak noong Enero 8, at sinabing hindi date ang naganap nang gabing iyon.

“Nandun ako dahil bridal shower ng aking pinsan, ng aking best cousin… kaya ako nandun,” paglilinaw ni Maja.

“And siya [Gerald] din, nandun, kasama ng mga kaibigan niya.

“Hindi ko kailangang mag-explain, pero sige…

“May isa kaming pagsasama 24/7 In Love, Davao, so, sa plane, napag-usapan namin ang Misibis. And nasabi ko na parang maganda dun, maganda yung activities dun.

“Kasi parang nagtatanong siya kung saan magagandang lugar, nasabi ko yun.

“Tapos nasabi niya, humingi siya ng number kung ano…

“Sabi ko, ‘Sige magbibigay ako ng number para ma-check mo kung okay.’

“Tapos after nun, nagkita kami sa Italian Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasabi ko na, ‘Uy, pupunta ako sa Misibis with my cousin, bonding, kasi dun ang bridal shower, inayos ko.’

“Sabi niya, ‘Sige, ayusin ko din.’ Ganun lang.

“Same flight, sabay.”

Pero nang tanungin siya kung nanliligaw ba ang Kapamilya actor sa kanya, naging maingat ang sagot ng aktres at sinabing, “Hindi ko masasagot ‘yan… siguro siya na lang ang tanungin ninyo.

“Basta okay naman siya, kasi isa na rin siya sa naging kaibigan ko dahil kaibigan ni Enchong [Dee], kaibigan ni Rayver [Cruz].

“E, close ako kay Enchong, kay Rayver.”

(READ: Maja Salvador talks about rumored romance with Gerald Anderson)

END OF A FRIENDSHIP. Muli man nagkakulay ang buhay pag-ibig ni Maja, tila nasakripisyo naman ang pagkakaibigan nila ni Kim Chiu.

Si Kim Chiu ay matalik na kaibigan ni Maja, at ex-girlfriend ng nali-link sa kanyang si Gerald.

Kaya naman tinanong kay Maja kung anong reaksyon ni Kim sa pagkaka-link nito sa ex-boyfriend niya.

Maingat na sagot naman ni Maja, “Simula sa umpisa, alam ni Kim kung ano ang mga nangyayari… si Kim na lang ang tanungin ninyo”

Iyon nga ang ginawa ng PEP, at doon namin nalaman na ikinasama ng loob ni Kim ang mga nangyayari sa pagitan nina Maja at Gerald.

Sa panayam ng PEP kay Kim, nakapagbitiw ito ng maiinit na pahayag.

Aniya, “For me, I’m happy for them.

“Wala naman pong masama, pareho naman po silang single.

“Maging masaya na lang po tayo para sa kanilang dalawa.

“Nakakalungkot lang, kasi yung friendship, nasayang.”

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Nagulat ako, e, and nabigla. Hindi ko ine-expect na mangyayari itong ganito.

“Di ba parang… bakit? I’m not… hindi naman ako bitter na kung anuman ang nangyayari sa kanila. But I’m happy for them.

“Parang nalungkot lang ako kasi yung taong [Maja] sinabihan ko nung time na down ako dun sa [kay Gerald]… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(READ: Kim Chiu reacts to Maja Salavador and Gerald Anderson’s rumored romance)

Tinanggap naman ni Maja ang naging reaksyon na ito ni Kim at piniling manahimik sa kabila ng mga isyu.

Nang subukan nga siyang kuhanan ng pahayag ng PEP at YES! magazine sinabi nito na, “I chose to be happy, yun na lang.

“Okay lang. Okay lang na side nila.

“Yung isa na-explain na niya yung side niya. Yun na yun.

“Lalaki pa kasi, e, hindi matatapos. Ano na lang, I’ll ask po for your ano… 'wag nang makisali.

“Tulungan niyo kami na sana, in time, yung sitwasyon namin ngayon maayos. Yun. Work, work, work.”

(READ: PEP EXCLUSIVE Maja Salvador on relationship with "former" best friend Kim Chiu: "Work, work, work.")

PREEMPTED RELATIONSHIP. Kung si Gerald naman ang tatanungin, tila naunahan siya ng publiko pagdating sa pagkilala niya kay Maja.

Wala pa man daw kasi siyang planong ayain lumabas o ligawan ang aktres ay iba’t ibang espekulasyon na ang binigay ng mga tao tungkol sa kanila.

Nagsimula lang daw talaga ang interes niya sa dalaga nang makasama niya ito saMisibisBay.

Kaya naman noong makabalik sila mula sa bakasyon, naisip ni Gerald, “Being single at matagal na rin akong single… siya rin, single siya at that time, parang ano ang masama kung yayain ko siyang lumabas? Mas makilala namin ang isa’t isa?

“Yun nga lang, inunahan ng maraming tao. Meron na agad naninira, accusation.

“Ewan ko, parang it has blown out of proportion agad.

“Parang hindi pa kami nagdi-date, lumabas na kaming dalawa.

“Pero if you’ll ask me, yeah, I’d love to—kung bibigyan niya ako ng chance.”

At kung ang pagkakaibigan naman nina Maja at Kim ang pag-uusapan, nananatiling positibo si Gerald na “magiging maayos din ito.

“Magiging maayos siya, depende sa maturity ng bawat isa na kasama sa sitwasyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(READ: Gerald Anderson wants to court Maja Salvador)

YES, THEY’RE TOGETHER! Matapos ang mala-teleseryeng love story nina Maja at Gerald, nadagdagan pa ang mga sightings sa kanilang dalawa.

Isa na rito ang naging selebrasyon nila ng Valentine’s Day kung saan gamit ang isang helicopter ay nagpunta sila sa Tagaytay.

(READ: Gerald Anderson takes Maja Salvador in Tagaytay via chopper)

Pero Mayo nitong taon, inamin na ni Gerald sa lahat, “Oo, in love ako sa kanya... in love ako kay Maja Salvador.”

Aminado si Gerald na “mahirap” ang sitwasyon nila ni Maja, lalo na at hindi pa nagkakaayos sina Kim at Maja.

Gayunman, hindi raw pinagsisisihan ni Gerald na pinili niyang ipaglaban ang nararamdaman para kay Maja.

Aniya, “Why would I regret something that makes me happy? This is worth fighting for.”

(READ: Gerald Anderson confirms relationship with Maja Salvador)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN