What's Carla Abellana's reaction to kissing scene of Tom Rodriguez and Megan Young in Marimar?

IMAGE @carlaangeline on Instagram

When asked if Tom Rodirguez's kissing scene with Megan Young has Carla Abellana's nod, she says, “Hindi na kailangan ng blessing. Work lang.”


Alam niyo bang bago naging artista si Carla Abellana ay naging isa siyang teacher?

Kaya naman, masaya ang dalaga nang maging bahagi siya ng PLDT Gabay Guro Teacherfest na ginanap noong Setyembre 27, sa Mall of Asia Arena.

Nakasabay niya sa stage ang kapwa niya Sun Cellular ambassador na si Mikael Daez.

Sabi ni Carla sa kanyang maikling speech, “Actually, lahat tayo dapat magbigay-pugay sa mga teacher.

"So kami ni Mikael, nagpapasalamat kami na at least through Sun Cellular, magagawa namin iyon.

"Makakapagpasalamat kami sa kanila by offering them a special feel na made exactly for them lang.”

Nakisabay kay Lhar Santiago ng GMA News ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pag-i-interview kay Carla sa backstage.

Ayon kay Carla, malapit sa puso niya ang mga teacher dahil naranasan din niyang magturo noong hindi pa siya artista.

“I was once a teacher. Actually, konti lang po ang nakakaalam na after college, nag-decide akong magturo.

"I was a nursery teacher.

"Sabi ko nga, mahirap siya, it takes a lot of patience.

"Hindi madali talaga na ibigay yung sarili mo sa mga bata na you know at that moment, hindi pa siguro nila na-a-appreciate e lahat ng ginagawa mo for them.

"But eventually sana na yun ang gusto mo bilang teacher, na eventually na makita nila o ma-realize nila na nakatulong ka din naman sa kanila.”



TOM RODRIGUEZ. Samantala, hindi rin nakaligtas si Carla sa pag-uusisa tungkol sa rumored boyfriend niyang si Tom Rodriguez.

Pinapanood niya ba ang Marimar na pinagbibidahan ni Tom kasama si Megan Young?

“Actually, nagkakataon na napapanood ko siya habang nagwo-workout ako.

"Minsan, nata-timingan ko siya. So okay naman, mabilis yung flow ng story.

"Medyo ngayon, sina Antonia [Lauren Young], nagiging bad na talaga, sinisimulan na nila yung pang-aapi kay Marimar.

"Okay naman, maganda.”

Ano ang reaksiyon niya sa kissing scene nina Tom at Megan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, napapabuhat ng mas mabigat,” biro ni Carla.

“Ang masasabi ko lang, kudos sa buong cast kasi napaka-convincing.

"Maganda, nade-deliver nila nang maayos ang mga eksena nila.

"Dahil kilala ko na rin I guess si Direk Dom [Zapata], nai-imagine ko na rin kung paano nila ginagawa.

"So magaling, okay naman sila, nagagampanan naman nila nang maigi yung mga role nila.”

So wala bang selosan na nagaganap?

“Wala naman. At the end of the day, alam naman natin na trabaho lang iyan, di ba?”

So, may blessing niya ang kissing scene?

“Hindi na kailangan ng blessing. Work lang.”

Bukod kina Carla at Mikael, kabilang din sa celebrities na nagpasaya sa Gabay Guro Teacherfest ay sina Regine Velasquez-Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Derek Ramsay, Pilita Corrales, Basil Valdez, Kuh Ledesma, Ariel Rivera, Christian Bautista, at Aicelle Santos.

Andun din sina James Reid, Nadine Lustre, Xian Lim, Ryzza Mae Dizon, Rochelle Pangilinan, Michael Pangilinan, Joseph Marco, That’s My Bae Boys, 3rd Avenue Band, at G-Force.

Dumalo rin sina Lani Mercado, Jenine Desiderio, Franco Laurel, Ima Castro, Leo Valdez, Elha Nympha, Ate Gay, at El Gamma Penumbra.

Ang kalyeserye stars naman ng Eat Bulaga! na sina Alden Richards, Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, at Wally Bayola as Lola Nidora ay nagbigay ng message sa pamamagitan ng video.

Nagsilbing hosts sina Pops Fernandez, Tim Yap, at MJ Lastimosa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN