Madalas nating napapanood sa pelikula ang mga eksena kung saan pumapanaw ang karakter na ginagampanan ng ating mga paboritong artista.
Iba't iba ang sanhi ng kanilang pagpanaw. Ang iba'y dahil sa pagpapatiwakal, sakit, o ang pinakamasaklap ay ipinapaslang ng ibang taong maaaring nakaalitan nila.
Ngunit ang mga pangyayaring ito'y hindi lamang sa mga pelikula o palabas nangyayari. Minsan, ang makulay na mundo sa pinilakang tabing ay nangyayari din sa totoong buhay.
Gumawa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng listahan ng ilang mga personalidad at malalapit na kamag-anak ng ilang personalidad na pumanaw sa taong ito.
















