Nagkaroon ng wrap party sa buong cast and crew ng Budoy, na pinangunahan ng bidang si Budoy himself, Gerald Anderson.
Ginanap ang wrap party ng Budoy, na nagkataong birthday din ni Gerald, sa Excess Superclub, sa Timog noong Biyernes ng gabi, March 9.
Ang wrap party ay ginaganap ng mga taga-showbiz tuwing matatapos ang paggawa ng isang project tulad ng pelikula, TV show o shooting. Ang ganitong pagtitipon ay sinasabing nagsimula sa huling "order" ng direktor tuwing katapusan ng shoot na, "It's a wrap!"
















