Dalawang sinehan sa SM Megamall ang pinagdausan noong August 28 ng premiere night ng I Do Bidoo Bidoo, angco-production venture ng Unitel Productions at Studio 5 (film division ng Kapatid Network).
Ang I Do Bidoo Bidoo ay musical na inspired sa Hollywood film na Mama Mia. Kung sa Mama Mia ay mga awitin ng Swedish pop-rock-disco group na Abba ang ginamit, sa I Do Bidoo Bidoo ay 17 naman sa mga hit songs ng Pinoy music group na APO Hiking Society ang ginamit.
Ang APO Hiking Society, na binubuo nina Buboy Garovillo, Danny Javier, at Jim Paredes, ay grupong kinikilala sa local music scene bilang isa sa mga nagpasimuno ng Original Pilipino Music o OPM. Ang APO ay nakagawa ng 27 albums sa apat na dekadang aktibo sila sa entertainment scene.
Sa premiere night, matapos maglakad ng cast sa red carpet, nagkaroon ang cast ng maiksing programa, bago tumuloy ang mga ito sa Cinema 10 para magpasalamat sa mga dumalo.
Mula Cinema 10 ay lumipat naman ang cast sa katapat na Cinema 9, kung saan naroon ang karamihan ng celebrities na dumating.























