Malungkot na araw ang Pebrero 3 para sa pamilya at fans ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Pumanaw na kasi ang ama ng singer na si Gerardo Velasquez (o mas kilala sa showbiz bilang si Mang Gerry) sa edad na 76.
Malaki ang papel na ginampanan ni Mang Gerry para maabot ng singer/ host/ actress kanyang estado ngayon. Siya mismo ang nagturo at nag-train kay Regine upang maging isang mahusay na mang-aawit.
Narito ang ilan sa memorable moments ng mag-ama...








