Ipinagdiwang ng Kapamilya star na si Empress Schuck ang kanyang 21st birthday sa pamamagitan ng isang party kasama ang ilang abandoned kids sa McDonalds Quezon Avenue Branch, Quezon City, noong February 23.
Dumalo rin ang ilang kaibigan ni Empress sa loob at labas ng showbiz para makibahagi sa games na inilaan para sa street children.
Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Melissa Ricks, Joseph Marco, Valerie Concepcion, Mark Neumann, at ang kapatid ni Empress na si Princess.












