Isang taon na mula nang maging phenomenal hit ng GMA primetime series na My Husband's Lover, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kilig ng tambalang nabuo ng programa—ang TomDen nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Patunay nito ang napakalakas na hiyawan na natanggap ng dalawang Kapuso actors nang rumampa sila sa The Naked Truth: The Bench Denim and Underwear Fashion Show kagabi, September 20.
PEP Live











