Umaapaw hindi lang ng mga manunuod kundi maging sa biritan at patalbugan sa pagkanta ang unang gabi ng Ultimate concert nina Regine Velasquez, Martin Nievera, Lani Misalucha, at Gary Valenciano.
Naroon si Vice Ganda at iba pang celebrities na nanuod sa makasaysayang pagsasama-sama ng apat na Pinoy music icons sa SM Mall of Asia Arena nitong Byernes, February 13.
Sold-out ang two-night concert ng apat sa MOA Arena na may 16-thousand seating capacity.







