Sa November 25 ang 23rd birthday ng Buena Familia star na si Martin del Rosario.
Isang araw bago ang kanyang kaarawan, nagbigay ng sorpresang selebrasyon si Martin sa mga batang may autism sa New Hope Sped Learning Center sa Kamias, Quezon City.
Pinili ni Martin na mag-celebrate kasama ang mga batang may autism dahil meron daw siyang pinsan na may ganito ring kondisyon kaya nakaka-relate daw siya sa mga ito.






