Sabay na nagdaos ng kanilang birthday charity ang mga Kapuso stars na sina Mikael Daez at Kylie Padilla, nitong nakaraang Sabado, January 16, sa Enchanted Garden ng Gawad Kalinga, Angat, Bulacan.
Napiling bigyan ng treat nina Mikael at Kylie ang mga batang nakatira sa Gawad Kalinga.
Anila, gusto nilang mapasaya ang mga batang na-relocate kasama ng kanilang mga magulang sa Angat mula sa mga dating tahanan nila sa Kamaynilaan.
Noong January 6, ang ika-28 kaarawan ni Mikael, samantalang sa darating na January 25 naman ang ika-22 kaarawan ni Kylie.
Bukod sa GMA Artist Center, kasama ring nag-organisa ng naturang charity event ang Vidanes Artist Management na nagma-manage din ng career ng dalawa..




