Matapos ang isang buwan mula nang idaos ang StarStruck 6 finale, nakipag-bonding ang Final 4 na sina Migo Adecer (Ultimate Male Survivor), Kleah Pineda (Ultimate Female Survivor), Ayra Mariano (First Princess), at Elyson de Dios (First Prince) sa ilang miyembro ng online entertainment press kahapon, Jaunary 27, sa Nail Axis, Quezon City.
Sa naturang spa bonding, nagbigay ang apat ng updates tungkol sa naging buhay nila matapos manalo sa artista reality search program ng GMA.
Pakiramdam ng apat, artista na talaga sila dahil may kanya-kanya na silang handlers sa ilalim ng pamamahala ng GMA Artist Center.