PJ Valerio claims he dated Rhian Ramos


Kung mag-decide na siyang magkaroon ng boyfriend, sana ako na lang ‘yon because I really like her," says PJ Valerio about Rhian Ramos.



Naging constant date pala ni Rhian Ramos noon ang isa sa co-hosts ni German Moreno sa Walang Tulugan With the Master Showman na si PJ Valerio. Baguhan pa lang daw si Rhian noon sa programang Captain Barbell nang magkakilala sila ni PJ.



May three months din daw na naging very close sina PJ at Rhian. Pero hindi pa raw ito hiniritan ni PJ na seryoso siyang manliligaw rito. Gusto raw muna ni PJ na maging good friends sila ni Rhian.



"Rhian is a very nice girl," sabi ni PJ. "Kaya nagulat ako when news are coming out about her na hindi maganda. I don't want to ask her about that kasi baka isipin niya na tsismoso ako. Sa pagkakakilala ko kay Rhian, she's okay."



Ngayon ay matagal na raw silang hindi nakakapag-usap ni Rhian. Busy raw kasi si Rhian sa taping ng Lupin at sa bagong show nitong L.U.V. Pow, samantalang mga out-of-town shows naman ang pinagkakaabalahan ni PJ. Kaya ang balak na panliligaw ni PJ ay hindi niya muna itutuloy.



"Mahirap kasi kung manliligaw ako tapos wala naman time to be with each other. It's better na huwag ko munang ituloy. Marami pa namang time and I just hope that Rhian is still available by then. Kung mag-decide na siyang magkaroon ng boyfriend, sana ako na lang ‘yon because I really like her," sabi ni PJ.

Paano kung may nauna sa kanya sa panliligaw kay Rhian at ito ang sagutin at hindi siya?



"Kung iba ang piliin niya, okay lang because Rhian will be the one to choose who she really likes to be her boyfriend. Ganoon talaga, e. I will just have to take it like a man. But my feelings for Rhian will never change. If we were meant to be just friends, so be it," diretso niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN