Matteo Guidicelli gets cheesy about relationship with Sarah Geronimo

IMAGE Photos from Instagram (Credits to the owner/s)

AshMatt fans seem to notice that Matteo Guidicelli is now more expressive about his feelings for girlfriend Sarah Geronimo.


Marami sa mga fans ng AshMatt ang nakakapansin sa pagiging mas expressive ni Matteo Guidicelli, 28, sa pagmamahal sa girlfriend na si Sarah Geronimo, 30.

AshMatt ang tawag sa tambalan ng magkasintahang Sarah (Ash) at Matteo (Matt).

Kung dati ay matipid ang dalawa sa pagsasalita tungkol sa kanilang relasyon, ngayong taon ay tila mas naging vocal at expressive ang Kapamilya actor pagdating sa relasyon nila ng Popstar Princess.

Halimbawa na lamang ay ang pagpapahayag ng pag-ibig ni Matteo sa girlfriend na ipinu-post pa nito sa social media.

Nitong Martes, March 5, nag-post si Matteo sa Instagram Story ng larawan nila ni Sarah na naghu-holding hands.

Bakas pareho ang saya sa kanilang mga mukha.

Ang nakakikilig na caption ni Matteo: “Nothing better, being with my love [smiley]”

Kuha ang larawan noong March 3, Linggo, sa 3rd birthday party ni Scarlet Snow, anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Ipinost din ni Jojie Dingcong, talent manager ni Matteo, ang video kung saan makikitang nagkukulitan ang magkasintahan sa naturang event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinukso ni Jojie si Matteo na tila mas in love na ito kay Sarah.

Noong February 24, nag-post din si Matteo tungkol sa ginawa niyang sky diving sa WCC Aviation Binalonan Airfield sa Pangasinan.

Sa caption, pinasalamatan nito ang kanyang pamilya, pati na si Sarah, dahil sa pagpayag nilang mag-sky dive siya.

Nag-post din siya ng video bago siya tumalon sa eroplano at maririnig ang mensahe para kay Sarah: “Love you, Love. Love you, Sarah…”


Stories We Are Tracking

Matteo Guidicelli dedicates first skydive to Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli dedicates first skydive to Sarah Geronimo

Noong February 14, nag-post naman si Matteo ng larawan nila ni Sarah para sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

May limang taon na ang relasyon nina Matteo at Sarah.

 

 

 


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN