Claudine Barretto surprises sister Gretchen on her 49th birthday

IMAGE Courtesy: @claubarretto on Instagram

Gretchen Barretto gives sister Claudine Barretto a tight embrace after the latter surprised the former on her 49th birthday.


Back to normal na nga ang relasyon ng magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barretto pagkatapos ng halos anim na taong pagkakaroon ng lamat nito.

Miyerkules ng gabi, March 6, sa selebrasyon ng ika-49 kaarawan ni Gretchen, na ginanap sa Forbes Pask mansion nila ng partner na si Tonyboy Cojuangco, masayang-masaya ang aktres sa pagdating ng kapatid na si Claudine.

May dalang dalawang bouquet of balloons ang bunso sa Barretto siblings.

Galing daw ang mga regalo ni Claudine sa mga anak niyang sina Sabina at Santino Santiago. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakita ni Gretchen sa kanyang Instagram Stories ang tatlong magkakasunod na videos kung saan nasorpresa siya sa pagdalo ng kapatid.

Isang mahigpit na yakap naman ang naging pagbati ni Gretchen sa kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gretchen, “I thought you won’t be coming?”

Tugon ni Claudine, “Not for anything.”

Makikita rin sa videos na pawang close friends ni Gretchen ang nakisaya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Tinawag ni Gretchen na "Road to 50" ang kanyang selebrasyon dahil may pamahiin ang mga Pinoy na hindi magandang ipagdiwang ang birthday na tatawid ang edad sa 9, 19, 29, 39, 49, and so on.

SURPRISE FROM CLAUDINE

Ngayong araw, March 7, nagbahagi naman si Claudine sa Instagram ng video ng kanyang pagsorpresa sa kapatid.

Sabi niya sa caption, “She thought i was not going to see her on her birthday. i ended up not going home.

"i missed u @gretchenbarretto i missed u @mimiyque had a blast with   @priaskitchen @pattympineda thanks @oegtoysandpartysupplies for the biglaang orders ko. luv u @gretchenbarretto.”

Samantala, inaabangan ngayon ng publiko kung kailan naman magkakaayos si Gretchen at ang isa pa nitong kapatid na si Marjorie Barretto.

Nagkaroon sila ng “silent war” mula pa noong taong 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May alitan din sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang na sia nMiguel at Inday Barretto dahil sa pagkampi ng mga ito noon kay Claudine.

Ngayong nagkaayos na sila ni Claudine, sina Mommy Inday at Daddy Miguel na kaya ang sunod na makakabati ni Gretchen?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN