Bea Alonzo reacts to John Lloyd Cruz comeback: "Poy, ikaw ba 'yan?"

IMAGE Noel Orsal / @piolo_pascual on Instagram

Bea Alonzo writes witty caption on her Instagram post about former leading man John Lloyd Cruz's anticipated showbiz comeback.


“Poy, ikaw ba yan?”

Ito ang maiksi pero makahulugang caption ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post nitong April 3, Miyekules.

Isa na naman itong indikasyon ng tuloy na tuloy na ang “pagbabalik” ng perennial leading man niyang si John Lloyd Cruz sa limelight.

Ang "Poy" o Popoy ay ang pangalan ng karakter ni John Lloyd sa 2007 blockbuster hit na One More Chance, kung saan kapareha ng aktor si Bea, na gumanap naman sa role na Basha.

Kalakip ng post ni Bea ay ang maiksing video ng isang lalaking nakatalikod, na pinaniniwalaang si John Lloyd.

Nagsimulang umingay ang pagbabalik ni John Lloyd nang i-post ni Piolo Pascual ang silhouette photo ng isang lalaki at logo ng isang shawarma brand sa kanyang Instagram account.

Sa caption ay nagpahayag ng kasiyahan si Piolo sa posibleng pagsasama nila ni John lloyd bilang endorsers ng naturang produkto.

Tila kinumpirma naman ni John Lloyd ang kanyang "pagbabalik" sa pamamagitan ng kanyang verified Facebook at Instagram accounts, kung saan ipinost din niya ang parehong poster na ipinost ni Piolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

October 2017 nang mag-indefinite si John Lloyd Cruz sa showbiz at nag-focus sa pribadong buhay, kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna.

Namumuhay ngayon nang pribado sina John Lloyd at Ellen kasama ang kanilang anak.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN