Maja Salvador not keen on Darna role

IMAGE Instagram

Maja Salvador on fans' clamor for her to play Darna: “Nakakatuwa lang na marami ang may gusto, pero di ko kayang sagutin kung tatanggapin ko kasi ang hirap magsalita. Nandun ako sa ang hirap sundan.”


Kabilang si Maja Salvador sa mga pangalan ng ilang aktres na hinihiling ng maraming netizens na gumanap bilang Darna ngayong hindi na matutuloy gawin ni Liza Soberano ang movie remake ng Pinay superhero.

Para sa iba, bagay na bagay daw kay Maja ang role dahil bukod sa Pinay na ganda nito ay swak din daw ang husay ng Kapamilya actress sa comedy, drama, at maging sa aksyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Maja sa nakaraang Dance Xchange press conference kung saan ipinakilala din siya bilang dance ambassador ng National Commision for Culture and Arts (NCCA) nung nakaraang April 11 sa NCCA office, natutuwa man siya sa pagkakapili ay kapansin-pansin din ang pag-aatubili niya para sa role.

Lahad niya, “Natutuwa ako.

“Nagulat ako, nakahiga lang ako nung gabing yun, trending ako.

“'Bakit ako trending? Ano ang nangyayari?' Pagka-click ko, about Darna pala.

“Si Liza, parang baby sister ko yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang hindi ako sumabay, ayokong sumabay sa ingay nun sa pagwi-withdraw niya sa Darna, kasi love ko yan, e.

“Respeto ko sa kanya.

“I'm sure masakit sa kanya, alam ko na masakit sa kanya at alam ko na gustung-gusto niya gampanan ang Darna para sa nga fans niya.

“Marami ang naghihintay pero may mga sitwasyon nga na di mo mapipilit.

“Kailangan nating unahin ang kalagayan natin, yung naaksidente niyang kamay.”

PRESSURE

Ayon kay Maja, di rin biru-biro ang pressure na dadaanan ng kung sinumang mapipili bilang bagong Darna.

Inamin din niyang di pa siya makapagbigay ng sagot kung tatanggapin niya ang role.kung iaalok nga sa kanya.

Sabi niya, “Ang pressure kasi, ang laking pressure lalo na from Angel Locsin, na-announce na nila si Liza.

“Nakakatuwa lang na marami ang may gusto, pero di ko kayang sagutin kung tatanggapin ko kasi ang hirap magsalita.

“Nandun ako sa ang hirap sundan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW APPOINTMENT

Para kay Maja ay malaking karangalan ang pagkakakilala sa kanya bilang Dance Ambassador ng NCCA.

Pag-amin ng aktres, “First time nga raw nila na magkaroon ng Dance Ambassador.

“Ang sarap lang sa pakiramdam dahil siyempre after World of Dance Philippines, di mo naman mapi-please ang lahat.

“May mga nagtatanong, 'Bakit ka judge?' ganyan.

“Ako rin, tinanong ko rin ang sarili ko, 'Bakit nga ba ako kinukuha na judge?'

“Minsan talaga mayroon sa buhay mo na di mo napapansin na baka karapatdapat ka sa kung saan ka nila binibigyan ng posisyon, kung ano yung posisyon na binibigay nila sa iyo.

“After ng World of Dance Philippines, ito namang NCCA, ginawa nila akong Dance Ambassador.

“Ang sarap lang sa pakiramdam na marami ang nagtitiwala sa iyo, maraming nagre-recognize sa talent mo sa pagsasayaw.”

Katatapos lang ng World of Dance Philippines kung saan isa si Maja sa mga hurado.

Pagkukuwento sa amin ng Kapamilya actress, marami din siyang natanggap na pagkukuwestiyon sa kredibilidad niya para maging judge ng show, pero natutunan niyang balewalain na lang ang.mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ano sa akin yun e, roller coaster.

“Masaya na feeling ko, kamag-anak ko nga ang lahat ng sumali dun.

“Apektado ako lagi pag may di pumapasok, or pag mayroong nagiging emosyunal.

“Ang bawat pangarap naman talaga di madaling makuha, lalo na kung yung pangarap mong yun nilalaan mo sa iyong pamilya talaga.

“May iba na di ka gustong mag-judge, may iba na gusto kang mag-judge, but at the end of the day, nandun ako sa masaya ako na naging judge ako ng World of Dance.

“May mga pangarap ako na nandun ako, nandun ako, nakaupo ako sa panel na yun, isa ako sa tumupad sa kanilang mga pangarap.

“Ang nagpa-realize talaga sa akin niyan, sinasabi ko sa mga interviews ko na my boss, si Ms. Joyce [ASAP Business Unit Head Joyce Liquicia].

“Siya ang boss ko sa ASAP for sixteen years.

“Siya rin ang boss ko sa World of Dance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung di ko tinatanggap na maging judge ng World of Dance Philippines, sinabi niya sa akin, 'Sayang naman yung binigay ko sa iyo na titulo na Dance Princess kung di mo tatanggapin ang pagiging judge. Sayang yung pinaghirapan natin, yung mga segments na binigay namin. Deserve mo ito dahil grabe ang mga experiences mo sa dance.'

“Dun ko na-realize na, 'Oo, puwede kong tanggapin, puwede akong maging judge.'

“Pag nag-judge ako, parang iisipin ko na ako si Ms. Joyce na isa sa tumupad sa mga pangarap ko.

“Kayo ako naging judge dahil gusto kong tumupad sa mga pangarap ng mga Pinoy.”

DANCE PROWESS

Kung tutuusin, bago nakilala si Maja bilang isang mahusay na aktres ay unang napansin ang kanyang husay sa pagsasayaw.

Aminado naman ang aktres na napakalaki ng naitulong ng pagsasayaw sa kanyang showbiz career.

Aniya, “Sobrang laki.

“Bago ako mahalin ng ating mga Kapamilya sa pag-arte, sa pagsasayaw nila ako minahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung naaalala ninyo yung teleseryeng It Might Be You, teleserye nila Bea Alonzo and John Lloyd Cruz, dun ko nakapareha si John Prats, dun nila ako una nakitang magsayaw.

“Sumayaw kami ni John. After nun, yun na, every Sunday na akong nag-ASAP.

“For sixteen years every Sunday, sumasayaw ako sa ASAP.”

ON JOHN LLOYD'S SHOWBIZ COMEBACK

Iwas namang magbigay ng komento si Maja tungkol sa bali-balitang magbabalik-showbiz na raw ang kaibigan niyang aktor na si John Lloyd Cruz.

Pag-amin ni Maja, “Nakita ko sa social media.

“Let's see, ayokong magsalita.

“Bilang isang kapatid niya, I respect him. I respect his decision.

“Kung anuman ang lumalabas, sorry po, ayokong sagutin dahil di ko alam.

“Ayokong magsalita, ayokong galing sa akin.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN