Ara Mina does not mind being loveless at 40

IMAGE Arniel C. Serato

Ara Mina on her grand 40th birthday party: "I think it’s a milestone, di ba, makarating sa ganitong 20/20."


Loveless pa rin si Ara Mina kaya naman hindi maiwasang itanong kung may nagpaparamdam o nanliligaw sa kanya ngayon.

“Wala pa, soon, huwag niyo pinapangunahan!” natatawang sabi ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang huling nakarelasyon ni Ara ay si outgoing Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. Mayroon silang isang babaeng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw nagmamadali si Ara na magkakaroon ng love life dahil abala rin siya sa kanyang cake and restaurant business.

Malapit na rin niyang i-launch ang kanyang sariling make-up line.

Ipinagdiwang ni Ara ang kanyang 40th birthday sa pamamagitan ng grand Tuscan vineyard-themed party noong May 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabing pinaghandaan ng aktres ang kanyang “20/20” birthday celebration.

Paliwanag ni Ara, “I think it’s a milestone, di ba, makarating sa ganitong 20/20.

“At saka kasi hindi ako nakapag-celebrate ng aking 25th year sa showbiz.

“Hindi ko naman pinag-isa, parang siguro gagawa ako ng show, eventually, wala, just want it to celebrate lang kasi bihira lang naman talaga ako mag-party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano lang, mga restaurant, dinner-dinner lang, hindi talaga big party, from debut ko pa.”

Ilan sa mga namataan ng PEP.ph na dumalo sa birthday party ni Ara ay si Tirso Cruz III at asawa nitong si Lynn Ynchausti, Jestoni Alarcon, Jamie Rivera, Say Alonzo, Jan Marini at mister nitong si Gerard Pizarras, Alyana Asistio at boyfriend na si John Acosta, Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado, at anak nilang si Jayda Avanzado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humabol naman sa party sina Marco Gumabao, Barbie Imperial, at ang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes.

Ano ang wish ni Ara sa kanyang birthday?

Sabi niya, “Sa career, sana tuluy-tuloy pa rin.

"Ang wish ko sa business ko, mas lalong maging successful, and for my family, ma-achieve nila yung desire ng heart nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And soon darating din tayo sa time na magsi-settle down ako.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN