Bea Alonzo likes post about lying a few hours after Gerald Anderson interview

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Bea Alonzo likes an Instagram post about lying just a few hours after Gerald Anderson broke his silence about their breakup.


Hindi maiwasang bigyang kulay ng ilang netizens ang pag-like ni Bea Alonzo sa isang meme tungkol sa pagsisinungaling.

Ito ay dahil ilang oras lamang ang nakalilipas mula nang lumabas ang interview ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson hinggil sa kanilang breakup.

Lunes ng gabi, August 5, nag-post sa Instagram ang IG user na may handle name na @beaalonzo_solid ng isang meme ni John Lloyd Cruz.

Kalakip ng larawan ni John Lloyd ay ang dialogue ng aktor mula sa One More Chance, ang pelikulang pinagsamahan nila ni Bea noong 2007.

Ginampanan ni John Lloyd sa pelikula ang papel ni Popoy, habang si Bea naman ay si Basha.

Ayon sa caption: “’Kung magsisinungaling ka galing galingan mo’—Popoy”

Sa pelikula, ang buong linya ni Popoy ay: “Basha, kung magsisinungaling ka, galing-galingan mo naman!”

Ni-like ni Bea ang post ng kanyang fan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin naman agad ng netizens ang ginawang pag-like ng aktres sa post, dahilan upang magkomento at husgahan na si Gerald na hindi umano nagsasabi ng totoo sa kanyang interview.

Ang pagla-like ng mga post sa Instagram ay tila simpleng pagpapahiwatig ng mga reaksiyon ni Bea tungkol sa isyung kinasasangkutan nila nina Gerald at Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Julia ang pinagbibintangang third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Ni-like din ni Bea noon ang Instagram post ng isang fan ng paparazzi shot nina Gerald at Julia na naglalakad habang papunta umano sa parking area.

Ito rin ang gabi na sinasabing magkasama ang dalawa pagkatapos nilang dumalo sa birthday celebration ni Rayver Cruz noong July 20.

Pinusuan din ni Bea ang Instagram post ng isa pang netizen na nagpapahiwatig na pumunta umano sa isang hotel sa Subic sina Gerald at Julia sa parehong araw noong April 2019.

GERALD SPEAKS UP

Nitong Lunes, August 5, sa wakas ay humarap si Gerald sa camera upang ibigay ang kanyang panig hinggil sa mga kontrobersiya kaugnay ng breakup nila ni Bea.

Ayon sa aktor, marami silang maliliit na away ni Bea na humantong sa isang malaking away, kung saan ibinuhos ng aktres ang lahat ng kanyang hinanakit sa aktor.

Pagkatapos ng away na iyon ay napagtanto raw ni Gerald na ayaw na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, yung realization na hindi na siya masyadong healthy and we’re just hurting each other. Ayaw mo na talaga,” pahayag ng Kapamilya actor.

Inamin din ni Gerald na pagkatapos ng away na iyon ay iniwasan na niyang makipag-usap kay Bea.

Tumutugma ito sa pahayag ni Bea noong July 25 na wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lamang siyang hindi kinausap ng aktor.

Diretsahan namang pinabulaanan Gerald sa kanyang interview ang bintang na may namamagitan umano sa kanila ni Julia.

Diin niya, “Walang ibang tao na naging dahilan ng breakup.

“Para sa akin, it’s always been our personal issues, things that we… things inside our relationship.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close