PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mr. Pogi Edgar Allan Guzman reveals one-month affair with Iwa Moto

The Mr. Pogi winner is still loveless after Iwa.
by Ruel J. Mendoza
Published Mar 27, 2008
"Walang problema with Iwa. Mabait siya and she's very understanding. Ako yung may problema talaga. It's just that, may mga bagay na ayokong madamay si Iwa. Alam naman ni Iwa ‘yon and we decided na mag-part ways na lang. Pero kahit na naghiwalay kami, we parted as good friends," Edgar Allan Guzman sadly confesses about his one-month relationship with Iwa Moto.

Inamin ni Mr. Pogi winner Edgar Allan Guzman sa launch ng workout VCD na Body Buddies: The Body Circuit Workout na naging girlfriend pala niya for one month si Iwa Moto.

Nagsimula ang one month relationship nila ni Iwa after magkakilala sa "Glamorous Life" special ng Showbiz Central last year.

"Crush na crush ko kasi si Iwa that time kaya noong makilala ko siya, hindi na ako nahiya at hiningi ko agad ang number niya. Type ko kasi ang mga mapuputi at chinita, ‘tapos sexy pa si Iwa. Niligawan ko siya at naging kami for one month lang," kuwento ng nanalo sa pakontes na paguwapuhan ng Eat Bulaga!.

Hindi raw nagtagal ang relasyon nila ni Iwa dahil nagkaroon sila ng mga personal na problema. Sabi nga ni Edgar, siya ang may problema kaya hindi naging maayos ang takbo ng relasyon nila.

"Walang problema with Iwa. Mabait siya and she's very understanding. Ako yung may problema talaga. It's just that, may mga bagay na ayokong madamay si Iwa. Alam naman ni Iwa ‘yon and we decided na mag-part ways na lang. Pero kahit na naghiwalay kami, we parted as good friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay loveless pa rin si Edgar dahil concentrated ito sa kanyang career ngayon bilang miyembro ng The Studs. Natutuwa nga siya kay Iwa dahil masaya ito sa piling ng kanyang boyfriend na nagngangalang Mickey Ablan.

"Last time na nakita ko si Iwa, blooming siya. Obvious na she's in love. Kaya happy ako for her kasi may inspirasyon na siya. Ako, wala pa talaga kasi mahirap na makahanap ng kapalit niya," sabay ngiti ni Edgar.

Ngayong buwan ng April nga ay mag-e-expire na raw ang kontrata niya sa T.A.P.E. Inc. Baka raw maghanap na siya ng bagong manager na magha-handle sa kanya ng full-time.

Kasama si Edgar sa bagong season ng Daisy Siete titled "Prince Charming and the 7 Maids" na sa March 31 magsisimula sa GMA-7.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Edgar Allan Guzman, Iwa Moto
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Walang problema with Iwa. Mabait siya and she's very understanding. Ako yung may problema talaga. It's just that, may mga bagay na ayokong madamay si Iwa. Alam naman ni Iwa ‘yon and we decided na mag-part ways na lang. Pero kahit na naghiwalay kami, we parted as good friends," Edgar Allan Guzman sadly confesses about his one-month relationship with Iwa Moto.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results