PEP EXCLUSIVE: ABS-CBN names one of its studios after Dolphy

"Na-shock ako! Sobrang tuwa talaga. Naluha nga ako at hindi ako makapagsalita. Pero, siyempre,ikaw ba naman yung binigyan ka ng pangalan dito sa ABS-CBN, panghabambuhay nayun!" exclaims Dolphy after learning that Studio 1 of ABS-CBN will now be called Dolphy Theater.



Kahapon, July 28, opisyal nang pinangalanan ng ABS-CBN angStudio 1 nila bilang "Dolphy Theater."

Maliban kay Mang Dolphy, lahat ng dumalo kahapon ay aware samagaganap na pagpapangalan ng Studio 1 sa Comedy King bilang pagbibigay-pugaysa kanya ng Kapamilya network, kabilang na ang halos lahat ng ABS-CBNexecutives headed by Mr. Gabby Lopez at maging ang mga anak ni Mang Dolphy gayanina Epi Quizon, Sally Quizon, Vandolph, at Dolphy Jr.

Nang ina-announce ni Edu Manzano, na nagsilbing host nggabing yun, na ang Studio 1 ay opisyal nang magiging Dolphy Theater langnalaman ni Mang Dolphy ang talagang event na ipinunta niya sa ABS-CBN. Buongakala raw niya ay may isu-shoot lang siya.

Kitang-kita ang pagkagulat at talagang umiyak si Mang Dolphynang mag-sink in na sa kanya kung ano ang kaganapan, lalo na nang makita niya saaudience ng Studio 1 ang lahat ng executives ng Kapamilya network nanaka-formal attire talaga, gayundin ang presence ng ilan sa kanyang mgaanak.

Sa Studio 1 ay naka-display rin ang mga larawan ni MangDolphy na kinunan ng ace photographer na si Jun de Leon.

Bilang tribute din kay Mang Dolphy, ipinalabas sa DolphyTheater kahapon ang isa sa mga luma niyang pelikula na iprinodyus ng kanyangRVQ Productions, ang Facifica Falayfay. Posibleng maging regular nangkaganapan sa loob ng Dolphy Theater ang pagpapalabas ng mga lumang pelikula ngComedy King.

Pinalad naman ang PEP (Philippine Entertainment Portal) namakausap si Mang Dolphy after ng maikling programa ng pagsasalin sa kanyangpangalan ng naturang studio. Ayon sa Comedy King, talagang nasorpresa raw siyanang husto sa lahat ng nangyayari sa kanya lately.

"Na-shock ako!" hindi pa rin niya makapaniwalang sabi."Sobrang tuwa talaga. Naluha nga ako at hindi ako makapagsalita. Pero, siyempre,ikaw ba naman yung binigyan ka ng pangalan dito sa ABS-CBN, panghabambuhay nayun!"

Kuwento pa ng Comedy King, "Ang sabi nila, emergency tapinglang daw, e, hindi pala. Tinatanong ko, ‘Basta, bihis ka.' E, naka-rugged langako kanina dahil umuulan pa. Nagulat din ako na nandoon ang mga anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Mang Dolphy, napaka-espesyal ng 80thbirthday niya dahil kailan lang ay ni-launch ang kanyang autobiographicalbook, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa. Ngayon naman ay ang pagpapangalan ng isang studio sa kanya.At sa July 31 ay bibigyan din siya ng ABS-CBN ng tribute na gaganapin sa Meralco Theater.

"Well, sa tingin ko, pinaka-espesyal na 'to. May libro ngbuhay ko, may foundation na binuksan. At ito, ‘tapos meron pa sa 31. Puwera payung birthday ko noong Biyernes [July 25], so talagang nagkasunud-sunod, e,"masayang sabi ni Mang Dolphy.

Abot-abot naman pasasalamat ng Comedy King sa ABS-CBN.

"Well, ang mensahe ko talaga ay tumagal pa ito ngmaraming-maraming taon pa... Isandaan, dalawang daan taon. Mag-takeover na kungsino pa sa generation ng Lopez, magtuloy-tuloy sila. Sapagkat maramingmatutulungan ito, hindi lang mga artista kundi maging mga mamamayan. Nalalamankung ano ang nangyayari sa mundo. Kung sino ang agrabyado, kung sino mganagnanakaw, nalalaman lahat dito, lalo na sa media. Kaya ang dalangin kotalaga, magpatuloy. More power and God bless this station, magpatuloy pa."

At saka nga niya isinunod na, "At kung maaari pa, magkasundona ang mga network. Gusto ko magkasundo pa sila. May chance pa, naniniwala ako.Kailangan lang siguro na tama lang ang padrino na gagawa noon."

On his 80th birthday, may mahihiling pa ba siya?

"Wala na sa akin, sa sarili ko, wala na. Sa pamilya kona lang, sa mga anak ko, sa amin ni Zsa Zsa [Padilla, his life partner]."

Sayang nga lang daw at hindi na-witness ni Zsa Zsa ang lahatng mga surprises sa kanya simula pa ng book launch dahil sa natanguan na nitongcommitment abroad.

"Wala, e, may contract kasi yun. Hindi rin naman niya alamang mga surprises na ito. Kahit yung book launch, hindi rin niya alam na sapetsang yun na pala, lahat talaga surprise. Yung anak nga namin, sumunod na rinsa kanya ro'n," paliwanag ni Mang Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, dahil sa pagsasalin sa pangalan niya ng Studio 1 ngABS-CBN, posible kayang mabura nito ang mga nababalitang plano niyang paglipat sakabilang network?

"Hindi siguro, sinelyuhan na ako. Nakaselyo na, e!"masayang pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN