Habang tumatagal, mas lalong dumarami ang mga negatibong isyu na nag-uugnay kay Rizza Santos. Maganda pa naman ang pagpasok niya noon sa showbiz—from being the Miss Earth-Canada ay napasok as one of the housemates in Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 where she started to have fans.
Pero heto na nga ngayon at sunud-sunod na ang mga negative issues and publicity on Rizza, na ang karaniwang sentro ay ang kanyang attitude or work ethics.
Matatandaang nagkaroon siya ng isyu sa ilang Kapuso stars dahil sa diumano'y pang-iirap niya sa mga ito sa isang event ng FHM. Nagkaroon din ng problema sa kanya si Ruffa Gutierrez sa taping naman ng I Love Betty La Fea.
Recently, napabalitang nagkaroon naman ng isyu ang mismong nagma-manage sa kanya, ang Viva Artists Agency, dahil sa biglaan nitong pagpapaalam para umuwi raw ng Canada. Naapektuhan tuloy ang mga commitments niya na nai-book ng management agency.
However, a reliable source told this writer na hindi naman pala totoong umuwi ng Canada si Rizza. All the while, ayon sa aming source, nasa Pilipinas lang ang ex-beauty queen.
Kaugnay nito, may mga haka-hakang dahilan lang ni Rizza ang pagpunta nito sa Canada at ang totoo diumano ay may ipinaayos ito sa kanyang mukha. May mga nakapansin kasi nang um-attend ito sa pageant night ng Miss Earth kamakailan lang na tila may nagbago sa mukha nito, particularly ang ilong.
Nalaman din writer na ito from another source na tinanggal na pala as celebrity endorser si Rizza ng Mint, isang clothing brand. May less than a year contract pa raw sanang tatapusin si Rizza sa contract nito with Mint. Pero ang mismong may-ari at management na rin daw ng clothing brand ang nagdesisyon na tanggalin at palitan na si Rizza ng bago nitong endorser na si Cristine Reyes.
Ito rin ang sinasabing resulta ng biglaang pamamaalam ni Rizza para umuwi ng Canada. Supposedly raw kasi, may limang mall tours na naka-schedule ang Mint for Rizza. At bilang image model, natural lang na si Rizza ang mag-represent ng brand sa mga naturang shows.
Pero ayon sa aming source, kahit daw nakaharap pa ang may-ari ng clothing brand, buong-ningning daw na sinabi ni Rizza na, "I can't do that. I'm going to Canada." Nakasaad pa naman sa kontrata na kasama sa pagiging endorser niya ang pagpunta sa malls to promote the clothing brand.
Nakarating na rin sa aming kaalaman na nakuha na diumano ni Rizza ang kabuuang bayad sa kanyang kontrata bilang image model ng Mint. Buo na't hanggang sa pagtatapos ng kanyang kontrata ang bayad. Kaya't dahil dito, sinabi pa ng aming reliable source na malaki ang posibilidad na mag-file ng case for damages ang Mint against Rizza, that is, kung hindi maayos ni Rizza ang problemang ito.
PEP (Philippine Entertainment Portal) tried to get in touch with Rizza para maringgan ng kanyang panig, ngunit hanggang sa isinusulat ang balitang ito'y nanatiling tahimik si Rizza.