Humahataw ang pamilya nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa mga commercials at product endosements. Sunud-sunod nga ang dumarating na projects hindi lang sa kanila bilang mag-asawa, kundi bilang isang pamilya, kasama ang kanilang kambal na sina Maverick at Cassandra.
Ang latest endorsement nga na tampok ang Villaroel-Legaspi family ay ang environment-friendly na SM Supermalls Green Bags. Ang mga multi-purpose bags na ito ay reusable at available in four exclusive and collectible designs by renowned visual artist Manuel Baldemor. The designs represent Graces from the Air, Graces from the Land, Graces from the Sea, and Spritual Light and Supreme Energy. At ang piso sa bawat mababentang green bag ay mapupunta sa isang institution na advocate ng better environment.
Sa launching ng Green Bags sa Atrium ng SM Mall of Asia kahapon, January 16, na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Carmina at Zoren. Hindi nila kasama ang kanilang kambal sa naturang launch dahil nasa school pa ang mga ito.
Masaya si Carmina na nabigyan ang kanyang pamilya ng pagkakataong makibahagi sa paghahatid ng mensahe sa publiko tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.
"Kasi ngayon we have to save our Mother Earth. Ngayon kasi nararamdaman na natin yung epekto, kumbaga napapabayaan na natin kasi yung kalikasan, e, for the past how many years. Kumbaga it's about time," ani Carmina.
"Ngayon kasi nararamdaman na natin yung epekto ng global warming, e," dagdag naman ni Zoren. "Basta we are honored to be a part of this campaign...Actually, coincidence nga kasi we are starting to teach our kids to become nature lovers. We are about to go on camping or plant trees. Eksakto lang na dumating yung ganitong project, so thankful kami sa SM at Unilever na we are the lucky family to be chosen na mag-participate sa kanilang programa."
Nagmistula namang mga fan sina Carmina at Zoren nang personal silang magpa-autograph ng kanilang Green Bag sa visual artist na si Manuel Baldemor. Kitang-kita ang kasiyahan nila matapos makapagpa-autograph. Kilala sa iba't ibang panig ng mundo si Manny Baldermor at hindi biro ang mga presyo ng mga gawa nito mula sa mga simpleng sketches hanggang malalaking murals.
"Oo nga, e. Meron na kaming signature ni Mr. Baldemor. Ang sarap ng feeling. Para talagang isang fan na nagpa-autograph sa isang sikat at magaling na artist na maganda rin yung hangarin niya," excited na kuwento ni Carmina. "Ang sarap ng feeling kasi, nakatabi namin siya ‘tapos napakabait niya. Parang nagkataon din na apat yung paintings ni Baldemor, four yung designs sa Green Bags, tapos apat din kami, parang ang cute lang. Maganda rin kasi sa batang edad ng mga anak namin, nae-expose na sila sa kalikasan natin. Kasi sa school nila pinag-aaralan na rin yung ganyan."
Dagdag ni Zoren, "Dapat kasi as parents, nasa atin na yung responsibility, dapat they know what to do. Unlike some other guys na... di ba may kasabihan nga tayo na, the old dog can't learn a new trick. Minsan matitigas na yung ulo, e. Bawal umihi, dun talaga iihi, di ba? So, dapat yung mga bata ma-train na."
EDUCATING THE KIDS. Ano ang reaction nina Mavy at Cassy na naging part sila ng project na ito?
"Natutuwa sila," ani Carmina. "Kasi even before pa this project kami na yung nagtuturo sa kanila. At saka pinag-aaralan na nga nila yung how to take care yung kalikasan, pati yung mga endangered species, yung mga ganun. So, alam na nila more or less kung paano i-save yung environment."
Ikinuwento rin ni Carmina ang family bonding moments nila na masasabing environment-friendly.
"Kasi kami hindi naman kami yung masyadong... halika mag-out of the country tayo. Simple lang kami. Kahit nga lang doon sa garden namin, nandun lang kami. Yun kapag may mga butterflies. Yung may mga ganyan, may mga flowers... about nature."
Kuwento naman ni Zoren, "Yung Cassy, mahirap kasing gisingin yun. So, ang gimik ko kapag ginigising ko, pinapakausap ko sa kanya yung mga flowers. Sinasabi ko mamamatay yung flowers kapag hindi mo kinausap. ‘Tapos, tinuturuan ko silang magdilig ng halaman. Dapat yung education din kasi must come from the parents, e. Dapat marunong ding mag-educate sa mga bata yung mga magulang."
Ang bida naman ni Carmina tungkol sa kanyang twins, "At saka they are really interested. Hindi katulad ng iba. Minsan kinakausap nila yung plants, ‘Hoy, dapat malago ka,' ganun. Parang nakakatuwa lang. Minsan sa mga animals, alam din nila kung paano mag-alaga. Minsan kulang na lang pati mga pusa sa daan kuhanin na nila. Yung they're very caring sila, hindi lang sa mga hala-halaman kundi pati nga sa mga animals din. We're so lucky, because they are smart kids. Hindi minsan may napapanood lang tayo na may nananakit ng animals. Sasabihin nila, ‘How come they are doing that?' Yung ganyan, they really get affected."
Talagang lumalapit ang endorsements sa pamilya nina Carmina at Zoren. Tanggap ng lahat ang magandang image nila bilang isang modelong pamilya. Paano nga ba nila pinananatili ang magandang imahe nila bilang pamilya at ang maganda nilang relasyon sa isa't isa?
"Unang-una sa lahat gusto naming sabihin na wala naman kaming pretensions, e," sagot ni Carmina. "'O, dapat ito ang gawin natin para magkaroon tayo ng endorsements.' Ever since naman kahit noong hiwalay pa kami [Zoren]... noong single pa kami pareho, as an artista ever since naman hindi naman kami mga gimikero at gimikera. Parang what you see is what you get. Kung ganito yung nakikita n'yo sa screen sa mga commercials namin, ganun talaga kami.
"There are times na we can say we are not perfect. There are times na may bickerings kami... nagtatalo kami. Yung sinasabi namin na we don't fight, totoo yun na we don't fight. We argue, yes. Of course, hindi naman parati na pareho kami ng opinyon. Magkaiba ang opinions namin minsan, but we don't fight. Parang, ‘a, bahala ka sa buhay mo!' walang ganun-ganun. Ang pinakaimportante sa akin, of course, dapat merong love... from love yung respect mo for each other at saka yung trust."
TOP CELEBRITY-FAMILY ENDORSERS. Ang pamilya na nga raw nila ang sinasabing leading celebrity family endorser.
"Parang nakaka-tense naman," komento ni Carmina.
Paliwanag ni Zoren, "Actually kung yun ang pag-uusapan, hindi mabigat sa aming dalhin yun. Kasi una talaga, we are proud to say na katulad ng sabi ni Carmina, na ganun kami talaga sa nakikita n'yo. Ibig sabihin, being endorsers... kasi tawag nila sa kambal, yun ang top endorsers na bata, e. For them they don't know that. Hindi lang nila alam na endorsers sila. They don't know that dahil siguro ang treatment namin sa kanila, hindi katulad ng ibang magulang na talagang pinipilit na, sige mag-artista ka... heto ang gawin mo."
"Ang hirap din naman kasing pilitin ng mga bata, e," sabi pa ni Carmina. "Kasi tayo... hindi naman kami pinilit ng mga magulang namin na mag-artista talaga. Ang iniisip nila [Mavy and Cassy] kasi nagpa-family bonding kami. Kasi we make sure, even if they are working, nag-e-enjoy pa rin sila. Kasi sa amin yung time spent with them really, really counts. So, ako bilang working mom, ‘pag pag-uusapan yung quantity versus quality, I make sure to give quality time for them. So, kahit na gagawa kami ng commercial, nagba-bonding kami." (click here to watch video of this interview)
May plano na bang dagdagan ang kambal?
"Dagdagan? Nagpa-practice na nga ako, e," biro ni Zoren, "Kasi gusto ko kambal ulit, e."
Singit naman ni Carmina, "Ako din, ako din. Kung halimbawa magiging kambal nga... okay gawin na, now na."
"Mamaya, ha," lambing bigla ni Zoren kay Carmina na biglang naging speechless. Tawanan tuloy ang kasunod. (click here to watch the video of this interview.)
WEDDING TALKS. Kailan kaya mangyayari ang big wedding, napapag-uusapan na ba?
Kung gaano kabilis sumagot si Carmina noong una, ngayon ay medyo nauutal siya, "A...a.. actually, parang hindi naman, e."
Singit ni Zoren, "Hindi, ire-reveal din namin sa inyo yung sikreto tungkol sa wedding na 'yan."
"Ano daw? Parang pati ako nagulat," ani Carmina.
Possible na this year na ba?
"Tapos na nga yata, e," makahulugang sagot ni Zoren. "Sikreto lang kasi."
"Nakakaloka naman yan," parang nagtatakang sabi ni Carmina sa tinuran ng asawa.
NO QUARREL WITH RUSTOM. Samantala, hindi rin pinaligtas ng PEP si Carmina sa pagtatanong tungkol sa kanyang ex-husband na si Rustom Padilla pagkatapos nitong lumantad bilang gay. Ngayon gusto naman nitong kilalanin bilang isang babae. Ang bago nga raw pangalan niya ay "BB" as in Binibini. Ano ang reaksyon ni Carmina dito?
"Wala.
You know, wala akong masasabi."
Since nagdidirek na rin si Zoren, gusto rin daw ni Rustom na maidirek siya nito. Okey lang ba kay Zoren na idirek si Rustom a.k.a. BB?
"Actually, may gagawin nga akong project, e. Baka tawagan ko siya," wika ni Zoren. "Well, wala namang masama... there's no quarrel naman with the three of us."
Pahabol pa ni Carmina, "That's why siguro I have nothing to say against him, nothing bad. Kaya nga kapag hinihingan n'yo ako ng comment. Wala talaga. Kasi nga I don't have any ill feelings towards him."
Willing ba siyang makatrabaho si Rustom sa isang project?
"Sa isang project... why not, di ba? Ang bottom line kasi dito katulad ng sinabi ko, hindi kami magkakaaway. We have moved on. Kung anuman yung nangyayari sa buhay niya as long as he is happy, then go. Wala naman siyang sinasaktan na tao."
Nagpaabot pa ng pagbati si Zoren kay Rustom bago tinapos ang interview, "Hi, Bebe!"
To watch the video of Zoren and Carmina's comments and greeting on Bebe, visit PEParazzi or click here .