Rafael Rosell narrates split with Malaya Lewandowski in detail

According to Rafael, one of his ex-girlfriend's last messages to him was, "I will always love you."

And his message to Malaya Lewandowski: "Whatever makes her happy, I'm happy."


Nauna nang lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita tungkol sa breakup nina Rafael Rossel at Malaya Lewandowski, gayundin ang umano'y nalalapit na pagpapakasal ni Malaya sa U.S. (Click HERE to read related article.)



Sa live guesting ni Rafael sa The Buzz last Sunday, April 5, detalyadong ikinuwento ng aktor ang dahilan ng kanilang paghihiwalay, pati na rin ang involvement ni Malaya sa instructor ng gym kung saan nagwo-work out silang dalawa ni Rafael. Ikinuwento rin ng aktor ang gabi-gabing pakikipag-chat ni Malaya sa sinasabi umanong "third party."

Lakas-loob na hinarap ni Rafael ang isyung kinakaharap niya. Sa VTR, bago ang interview ni Kris Aquino, nagpaabot ng matinding mensahe si Rafael kay Malaya.

"I hope she treats the guy with respect and love and she doesn't go behind his back," ani Rafael sa VTR.

At mula sa mensaheng ito ay tinanong ng host si Rafael kung galing ba talaga ito sa puso niya?

"Yes, inaamin ko po na galing talaga iyan sa puso ko. Sinabi ko po 'yan dahil siyempre nasaktan ako sa nangyari sa amin. At sana wala na rin ibang masaktan dahil sa nangyari...wala na ring ibang masaktan sa ganung paraan. Kasi very painful talaga yung nangyari. Kaya I hope na hindi na maranasan ng ibang tao yun," bulalas ni Rafael.

THE START OF A BROKEN HEART. In a nutshell, ganito ang pagkakakuwento ni Rafael. He and Malaya were working out at the same gym, located in Mother Ignacia St. cor. Scout Reyes in Quezon City. The guy was not only a gym instructor, but his family owns the gym and also the building where the gym is. In other words, may kaya yung pamilya ng lalaki.

Rafael said he and his ex-girlfriend became frequent visitors of the gym for "one and a half years." During that time, he became friends with the gym instructor on a "hi, hello basis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Here's the account from Kris's interview:

Kris: Napansin mo ba na meron siyang extra attention na binibigay kay Malaya? Wala kang naramdaman?

Rafael: Hindi po, wala talaga.

Kris: I remember, Boy & Kris pa bago mag-Pasko, you mentioned na pupunta kayo ng Singapore at magbabakasyon kayo doon. You were with Malaya then and everything was okay?

Rafael: Yes, the way it was supposed to be.

Kris: Christmas of last year, happy?

Rafael: Yeah, happy.

Kris: Loving?

Rafael: Loving.



Kris: Kelan nagsimula yung gabi-gabing chat?

Rafael: Yun ang hindi ko po alam. Pero napapansin ko may ka-chat siya sa Facebook.

Kris: Paano mo napansin na may ka-chat?

Rafael: Pag nagha-hang out kami, pag nag-i-Internet po ako, nag-i-Internet din po siya. 'Tapos may napapansin po ako na may isang pangalan na laging nagpa-pop up. So, hiniritan ko na. Sabi ko, 'Oy, sandali, baka may something na kayo ha?' Binibiro ko lang kasi I trusted her naman, e.

Kris: But when you said that, di ba parang may ibang feeling if you're in a long-term relationship, wala kang naramdaman?

Rafael: Wala naman.

Kris: So, what did she say?

Rafael: She said wala naman daw nangyayari sa kanila. They're just chatting lang daw talaga. So, I took her word for that.

Kris: What were they chatting about?

Rafael: Yun ang hindi ko po alam e.

Kris: And then fast forward tayo, this is January, kelan niya sinabi sa iyo na medyo mas malalim na sa pagcha-chat at medyo nagugustuhan na niya?

Rafael: Nung hiniritan ko for the third time na, 'Oy, baka may nangyayari na diyan?'

Kris: But did you ever ask her na , you know I'm not comfortable with this?

Rafael: Yeah, nung second time na humirit po ako. And then sinabi niya rin sa guy na it's not fair to me, tigilan na raw nila yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kris: Alam mo yun?

Rafael: Opo, alam ko po yun.

Kris: So, in fairness naman nag-try din siyang umiwas?

Rafael: Opo.

Kris: Pero kung nag-try umiwas, bakit nangyari ulit?

Rafael: Dun ko po sila nahuli, e.


THE HURTFUL REVELATION. Rafael continued, "Tinignan ko po yung screen. Sabi ko, 'Sino yan? It's that him.' Sabi niya, 'Yeah, it's him.' 'Tapos dun na niya hinirit sa akin na, I have to tell you something.



"Dun ako kinabahan. May naramdaman lang ako nung sinabi niyang, 'I told the guy I ike him.'"

Rafael was completely baffled by his ex-girlfriend's admission.

He said, "Siyempre, nagtaka po ako. Kasi everything was fine before that e. Ano yun? And then tinanong ko kung okay lang ba kung basahin ko yung pinag-chat-an niyo? Then she took her laptop and she left."

But the breakup didn't happen that night?

Rafael continued, "No. The next day naman, sabi niya, she's looking for God, she's looking for independence. 'Tapos nagkita ulit kami sa coffee shop by accident, kasi dun ko sinet yung meeting ko. Sinabi niya, it's over, wala na talaga."

Malaya did not become clear about the reason, but Rafael deduced that she chose the other guy over him.



Kris asked, "May nagawa ka ba sa kanya in the past for her to do this to you? I know, you have been together for three years. Have you been loving and faithful in the past three years?"

Rafael answered, "Yes, Ms. Kris. Every time na I'm in a relationship, I always make sure na ginagawa ko ang lahat ng puwede kong gawin."

And even after the girl said "it's over," he made a last-ditch effort to win her back.

He related, "Sinigurado ko lang talaga na nagawa ko ang lahat bago matapos. Para hindi ako lalabas sa relationship, tapos sasabihin na, I didn't do everything I could. So, I did everything I could. So, like now, hindi ko puwedeng sabihin na nagkulang ako sa paglalaban sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rafael learned that the two started dating openly in February. "Narinig ko lang sa mga kaibigan ko, sa mga katrabaho ko na nagha-hang out daw sila sa mall," he added.


MALAYA GETTING MARRIED.
Magmula noong nagha-hang out na sila and before PEP put out Malaya's impending wedding with the other guy, did she at least call or text him?

"She messaged me at ang sabi niya ipapakasal na raw siya. Sabi niya, let's move on from there," ang sabi ng member ng Coverboys.

Kris: Anong naramdaman mo?

Rafael: Actually, it's e-mail. So, nung nabasa ko, sabi ko, 'Wow parang ang drastic naman ng decision na yan.' Tinanong ko talaga siya kung sigurado siya na ito ang gusto niyang gawin kasi medyo mabilis pa at baka naman confused ka. Pero it's her decision. Hindi ako puwedeng makialam dun dahil hindi ko na siya girlfriend, di ba?

Kris: Did you ever, in those three years, ask her to get married?

Rafael: No, I didn't. Pero pinangako ko talaga sa kanya na when she does get older and when she's at least 21.

Kris: Ilan taon na ba siya ngayon?

Rafael: She's turning 21 this month.

Kris: Ilang taon na yung guy?

Rafael: Hindi ko po alam. Hindi na po kailangan alamin.

Kris: Maganda ba ang katawan niya?

Rafael: (Jokes) Sexy.

Kris: Kasi naman, I'm sure all the girls will agree with me na, ipagpapalit mo ba ang boyfriend na ganito [Rafael] ang hitsura? Unless, Brad Pitt-level siguro yung lalaki, di ba?

From the audience reaction, may mga nagsabi na, "Kasi mayaman."

Kris: Gym instructor siya, so okay ang katawan?

Rafael: Hindi ko pa po siya nakikitang nakahubad, e, kaya hindi ko masasabi.


MOVING ON. The actor admitted he was bitter right after the split.

"Aaminin ko po na na-bitter po ako, a lot bitter. Pero right now, at this point in time, okay na po ako. And I moved on na at alam niya rin yun. She's moving on. And we're just happy for one another."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Any lesson he learned?

"Hindi ko po alam kung may lesson talaga, e. Dahil sa tingin ko ginawa ko talaga lahat ng puwede kong gawin, e. Pero pagdating sa chatting, I mean harmless lang naman yun, e, kasi hindi mo naman nari-reach yung person physically. So, para sa akin, it was just an innocent thing na ginagawa yun."



Indirectly, he told Malaya, "I said na I appreciate everything that I learned from her. And I hope na yung mga natutunan niya rin sa akin i-apply niya rin sa buhay niya later on. Dahil kahit papaano, three years din po kami together. So, sana hindi rin nasayang yung three years na yun. There are a lot of lessons learned from one another naman."


DATING AGAIN. At present, Rafael is dating a non-showbiz girl.

He clarified, "Hindi naman sa ayaw sa showbiz. Ano lang... hanging out with friends lang. And then kung may showbiz man, sige. Pero for the meantime, hang out with friends lang. Usually with a group."

Should girls want to check him out, Rafael said he can be found in movie houses. "Mahilig ako manood ng sine and surfing sa La Union."

His Facebook status reads: "Mona Lisa ka who is making me smile again."

Rafael explained, "Actually, to correct that, sinabi ko po na, me and Mona Lisa, we share the same smile. Pag tinignan mo yung picture nang maayos, makikita mo na parang may konti siyang smirk, na parang may itinatago.

"I guess in my life, I found something na makakapagpasaya sa akin. Hindi ko sinasabi na ibang tao ito or kung anuman yun. Ano lang... nahanap ko talaga ang sarili ko. I can say na I'm a better person na."



The interview ended with a plug for Rafael's upcoming project with Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo, the Precious Heart Romances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN