Jennylyn Mercado excited over her forthcoming album under Viva Records

The StarStruck alumna has been through a lot in her showbiz career and offers these lessons to future entertainers: "Galingan nila. Mahalin nila ang talent nila. Matuto silang mag-explore. Kung mahal nila yung singing, mag-aral pa silang kumanta. Kung mahal nila yung dancing, yung acting, mag-aral pa sila. Huwag silang hihintong matuto. Dapat marunong silang makisama sa mga tao. Huwag makakalimot sa mga tumutulong at sumusuporta sa kanila."


Nagsilbing eye-opener kay Jennylyn Mercado ang hidwaan nila ng kanyang dating personal assistant na si Mel Pulmano. May kasong qualified theft ito na isinampa ni Jennylyn last October 2008. Dahil daw dito ay natuto na siyang i-manage ang sarili niyang pera.

"Yes, sobra. Kasi ngayon iba na, hindi katulad dati na inuutos ko. Ate, pakiganun, pakiganyan. Ako ngayon hands-on ako. Kasi once a week nagte-take time talaga ako na pumunta sa bank. Lahat tsine-check ko na. Napraning ako sa nangyari, e," bulalas ni Jennylyn nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kumusta na ang finances niya lalo't malaki ang nawala sa kanya?

"Bukod sa nawala sa akin, siyempre malaki rin ang ibinabayad ko sa attorney ko, di ba? Pero ngayon nakakabawi na ako. Kasi ngayon may bagong show ako sa GMA, ang Ikaw Sana. Tapos may out-of-town shows pa. Malaking tulong din po yung paglipat ko sa Viva."

NEW MANAGEMENT. Viva Artists Management na ang humahawak sa career ni Jennylyn. Pero co-managed pa rin siya ni Becky Aguila. Hindi na nag-renew si Jen ng kontrata sa GMA Artist Center na natapos last February this year. Bakit siya lumipat sa Viva?

"Desisyon namin yun talaga ni Tita Becky. Kasi parang nakakalimutan na ng mga tao na kumakanta ako. So, makakatulong yung Viva Records. Tapos yung mga out of the country, yung mga shows nila, yung events nila."

May gagawin na raw na album si Jen sa Viva Records at maire-release ito by January next year kaya excited siya.

Bakit hindi na siya nag-renew ng contract sa Artist Center?

"Pinapa-renew po nila ako last December. Pero hindi na nga po ako nag-renew hanggang sa matapos yung contract ko last February. Gusto ko lang ding maiba. Gusto rin namin subukan yung ibang management. Ang hirap din kasi nung nandito ka lang."

Kahit iba na raw ang nagma-manage ng career niya, hindi naman daw ito nangangahulugan ng paglipat niya sa ibang network gaya ng ginawa ng ibang alaga ni Becky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman akong planong lumipat ng network. GMA pa rin naman ako. Ang laki kasi ng utang na loob ko sa GMA. Yung managment lang ang naiba pero Kapuso pa rin ako."

Excited nga si Jen sa bagong drama series niya sa GMA na Ikaw Sana, kung saan balik-tambalan na naman sila ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras. Kung may daring scenes sila sa last soap nilang Sine Novela Presents Paano Ba Ang Mangarap?, mas matitinding kissing scenes daw ang mapapanood sa kanila sa Ikaw Sana na magsisimula na sa Lunes, September 21, bago ang 24 Oras sa GMA Telebabad.

READY TO GET SEXY? Ngayong sumasabak na siya sa more daring and mature roles, ready na rin ba siyang magpa-sexy?

"Hindi pa rin po, e. Wholesome pa rin ako. Siguro puwede yung hindi sobrang sexy."

Ayaw ba niyang tumulad sa ka-batch niya sa StarStruck na si Cristine Reyes?

"Iba naman si Cristine, e, carry niya. Yung taong yun, napaka-sexy talaga. Ako siyempre mommy na ako, e. Kumbaga iniisip ko pa rin yung baby ko. Ayoko naman one day sasabihin ni AJ sa akin, 'Mommy, ano ito?' Ayoko naman nang ganun."

Malapit na ngang magbalik ang StarStruck sa GMA-7. Hindi naman nate-threaten si Jen kung may susulpot mang mga bagong iidolohin lalo na nga't sa dami na rin ng pinagdaanan niya ay napatunayan niyang mahal pa rin siya ng GMA-7 at ng kanyang mga fans.

"Okay lang po yun. Pinagdaanan ko na yun, e. Good luck na lang sa kanila. Kasi ngayon thankful lang ako na nandito pa ako at patuloy akong sinusuportahan ng GMA at ng mga fans."

Ano ang advice niya sa bagong batch ng StarStruck?

"Galingan nila. Mahalin nila ang talent nila. Matuto silang mag-explore. Kumbaga kung mahal nila yung singing, mag-aral pa silang kumanta. Kung mahal nila yung dancing, yung acting, mag-aral pa sila. Kumbaga huwag silang hihintong matuto. Dapat marunong silang makisama sa mga tao. Huwag makakalimot sa mga tumutulong at sumusuporta sa kanila," pagtatapos ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN