PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Court grants James Yap visitation rights to son Baby James

Kris Aquino says she and estranged husband James Yap will not make their breakup a traumatic experience for son Baby James. (
Published Aug 20, 2010
"Siguro kung marami man kaming mga differences between the two of us, I don't know, only time will tell kung maaayos pa namin o hindi. Pero bukas ang kalooban ko at bukas ang kalooban ni James na subukan naming maayos ang lahat dahil mahal namin ang anak namin," says Kris Aquino about the agreement that she and James Yap agreed upon this Friday afternoon, August 20, at the Makati City Regional Trial Court.

Pinagbigyan na Makati City Regional Trial Court ang hiling ni James Yap na magkaroon ng "visitation rights" sa kanyang anak kay Kris Aquino na si Baby James.

Sa ilalim ng sala ni Judge Cristina Javalera-Sulit, muling nagkita ang basketball player at ang actress-TV host para sa unang pagdinig sa petisyon ng "nullity of marriage" na inihain ng huli noong Agosto 9.

At ang tanging napag-usapan sa pagdinig kanina ay ang apela ni James na makita ang kanyang tatlong taong gulang na anak. (CLICK HERE to read related article)

Naunang dumating sa hearing si Kris, 39, na nakasuot ng sleeveless one-piece black dress. Kasama niya ang kanyang mga kapatid na babae—sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, at Viel Aquino-Dee.

Samantala, bahagyang na-late naman si James, 28, na nakasuot ng maong at white polo shirt. Dumating ito kasabay ang kanyang mga abogado.

Kasama rin ni Kris ang mga escort na Presidential Security Guard, na hindi kukulangin sa apat. Ang mga ito ay pumasok sa courtroom, at pumosisyon sa bandang likod. Sa labas, may mixed group ng Makati police, city hall security guards, at ang mga tauhan ng Makati Commercial Estate Association (Macea).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si James naman ay escorted lamang ng personal na kaibigang si Mike Gayoso, isang character actor at kapatid ng dating Ginebra player na si Jayvee Gayoso.

Tumagal nang halos mahigit tatlong oras ang pagdinig. Sa loob ng tatlong oras na iyon, nagkaroon din ng isang closed-door meeting sina Kris at James kasama si Judge Sulit. Sumunod ay nagkaroon naman ng one-on-one meeting ang hukom, una kay James at pagkatapos ay kay Kris.

Matapos ng tatlong oras, nagkaroon na ng agreement sina Kris at James tungkol sa visitation rights ni James sa kanilang nag-iisang anak.

Paglabas ni Kris, naging matipid siya sa kanyang pahayag:

"It's a compromise agreement na pinasok namin with the interest of our son. Siguro, that's the only thing I can say right now because the judge admonished us to not share what we spoke of with the judge privately.

"Ang sinabi sa amin dito ng judge, and I think klarong-klaro naman sa aming dalawa, ang utmost priority naming talaga is 'yong well-being ng anak namin. I think that, on my part, I feel naman also, sa part naman ni James, na gagawin namin lahat to ensure that this will be not traumatic for our son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro kung marami man kaming mga differences between the two of us, I don't know, only time will tell kung maayos pa namin o hindi. Pero bukas ang kalooban ko at bukas ang kalooban ni James na subukan naming maayos ang lahat dahil mahal namin ang anak namin. Thank you."

Sa kabilang banda, hindi naman nagpaunlak ng anumang panayam ang two-time Most Valuable Player ng Philippine Basketball Association.

Ngunit ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan, naging cooperative naman ang dalawang panig. "Kasi ang ginawa ng judge, isa-isa sila sa chambers. Walang lawyers! Visitation lang ang issue," sabi pa ni Atty. Kapunan.

Napag-alaman din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media ang detalye ng naging resolution para sa Motion for Provisional Award of Visitation Rights na inihain ni James noong Lunes, Agosto 16. (CLICK HERE to read related article)

Ayon kay Atty. Kapunan, "The agreement was James can see Baby James three times a week—Wednesday, Friday, and Saturday. Kapag Wednesday at may games, puwedeng dalhin sa games. On Friday, overnight up to Saturday."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Magsisimula ang bisa ng resolusyon ngayong gabi, Agosto 20, dagdag pa ni Atty. Kapunan.

"Si James ay tutuloy from here to One Roxas at mayroon siyang overnight with Baby James. Ang agreement is puwede niyang kunin si Baby James ng Friday afternoon up to Saturday, 2 p.m.," sabi ng abogado ni James. Ang One Roxas ay building ng mga high-end condominium sa Makati City.

Nang tanungin kung ano ang naramdaman ni James sa naging desisyon ng korte, sabi ni Atty. Kapunan, "He's very happy at nagpapasalamat sa court."

Nabanggit din ni Atty. Kapunan na maghahain pa lamang si James ng kanyang tugon sa "petition for the declaration of nullity of marriage" ni Kris, na natanggap daw ni James noong Agosto 11. May 15 araw si James para sagutin ito, mula sa araw nang pagkakatanggap niya ng dokumento.

Sa ngayon ay wala pang iskedyul para sa susunod na hearing.

CLICK HERE for more photos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro kung marami man kaming mga differences between the two of us, I don't know, only time will tell kung maaayos pa namin o hindi. Pero bukas ang kalooban ko at bukas ang kalooban ni James na subukan naming maayos ang lahat dahil mahal namin ang anak namin," says Kris Aquino about the agreement that she and James Yap agreed upon this Friday afternoon, August 20, at the Makati City Regional Trial Court.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results