Gerald Anderson on Bea Alonzo: "Nag-decide kami na maging friends na lang."

"We were seeing each other, but we decided to stay friends na lang muna. I was fortunate enough to get the chance na makilala ko si Bea beyond being an actress at ako din nakilala n'ya... ang bait niya... but like I said, nag-decide kami na maging friends na lang," says Gerald Anderson about fellow Star Magic artist Bea Alonzo.


Pagkatapos ng matagal na panahon ay inamin ni Gerald Anderson na nakikipag-date nga siya dati sa kapwa ABS-CBN star na si Bea Alonzo.

Unang ibinalita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakipag-break si Gerald kay Bea kahit hindi kailanman nila inamin sa publiko ang kanilang naging relasyon. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon sa report na ito, nag-aminan ang dalawa ng kanilang feelings sa isa't isa habang nasa Heartthrobs concert-tour sila noong Abril sa New York.

Sa naturang PEP report din napabalita na nakipaghiwalay si Gerald kay Bea habang nasa final leg ng Heartthrobs concert tour sa London in early November.

Bagamat malakas ang bulung-bulungan tungkol sa kanilang dalawa, walang inamin sina Gerald at Bea.

Sa presscon nga noong September 16 ay sinabi pa ni Gerald sa mga miyembro ng press: "Hindi ko nililigawan si Bea."

Napaigting pa ang mga paniniwalang may namumuong pagtitinginan ang dalawa nang makitang magka-holding hands noong Star Magic Ball noong September. Ngunit itinanggi pa rin ito ng binata.

Ngunit sa isang panayam kamakailan ng ABS-CBN kay Gerald, inamin na nga sa wakas ni Gerald na lumabas sila ni Bea.

"We were seeing each other, but we decided to stay friends na lang muna," aniya.

"I was fortunate enough to get the chance na makilala ko si Bea beyond being an actress at ako din nakilala n'ya... ang bait niya.

"But like I said, nag-decide kami na maging friends na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN