Jericho Rosales admits almost falling for Alessandra de Rossi


"Who will not fall in love with someone who makes you laugh every day? Hindi mahirap ma-in love sa katulad ni Alex. Kasi rock and roll ang buhay mo pag si Alex ang kasama mo," Jericho Rosales said about his Green Rose co-star Alessandra de Rossi.


Naging masaya ang presscon ng Green Rose kahapon, February 9, sa 14th floor ng ABS-CBN dahil sa biruan nina Alessandra de Rossi at Jericho Rosales.

Si Anne Curtis ang kapareha ni Echo sa Green Rose, habang si Alex ang partner naman ni Jake Cuenca. Sa February 14 na ipalalabas ang bagong teleserye na ito ng ABS-CBN na kinunan partly sa Seoul, South Korea. Ang Green Rose ay hango sa Koreanovela na ganoon din ang pamagat.

Panay ang sabi ni Echo, "I love you, Alex!" at "Love you, BB!" kay Alessandra, habang si Alessandra naman ay sinabihan pa si Jericho ng "Hindi ako aalis ng ABS hangga't nandito ka pa!"

WHERE BB CAME FROM. Paano nga ba nagsimula ang biruan at flirting nilang ito at ano naman ang ibig sabihin ng tila term of endearment nilang "BB"?

"Yung first eksena namin together, at alam niya yun, sinasakal niya ako, nakahiga akong gano'n sa kama, 'tapos sinasabi ko, 'Wag, 'wag, 'wag... o,' napahinto ako. 'Ang guwapo pala nito!'

"Na-distract ako, nawala ako sa eksena. Pagka-cut, sinabi ko sa kanya, 'Alam mo, na-distract ako kanina, ang guwapo mo.' Magmula nun, nilandi-landi na niya 'ko. Hindi ko naman siya pinapansin," pakikay na kuwento muna ni Alessandra, na ikinatawa ng mga miyembro ng press na nasa presscon at pati na ri mga co-star niyang sina Anne, Jake at Echo.

"Ang 'BB' kasi, ahm... meron kaming istorya about a bibe, si BB. So, sa Korea, lahat kami 'BB' yung tawagan. Yun nga lang, ayaw niya [Jericho] talagang i-let go. Gusto niya talaga, BB ang tawag niya sa akin."

"Alex will always be my BB," sabat naman ni Jericho. "I love Alex!"

Napa-"wow" tuloy ang iba pang taong naroon sa sinabing ito ni Jericho tungkol sa co-star.

"Love ko 'yang si Alex, sobra. 'Yang BB na 'yan is a concept for a show. Yun lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahilig kaming gumawa ng concept ni Alex, creative kami."

May gusto raw kasi talaga silang gawing show kunsaan si Alex ang bida.

Tungkol sa isang bibe, to be played by Alessandra, na mahilig mag-bikini, na kahit saan pumunta ay laging gustong ipakita ang suot niyang bikini.

ALEX IS LOVE. Aminado si Jericho na si Alex ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

"For me, Alex is love. Alex, mahal ng lahat ng tao sa set namin. Lalo na si Direk Manny [Palo]."

Kung love ni Jericho si Alex, ano naman siya kay Alex?

"Friend," maikli at may taray pang sagot ni Alessandra na ikinatawa ng lahat.

Pero aminado ang single at loveless sa ngayon na binata na puwede nga siyang ma-in love sa mataray at kikay na kapatid ni Assunta de Rossi.

"May moment na natakot ako, kasi akala ko, nag-fall na ako sa kanya," simulang kuwento ni Echo.

Napatakip naman ng tenga si Alessandra habang nagkukuwento si Echo.

"O, ba't nakatakip ka ngayon? Ayaw mong marinig?" tanong tuloy ng award-winning actor sa award-winning din na aktres.

"Sabi ni Direk Manny Palo [Green Rose director] sa akin noon, 'Echo, mag-ingat ka, iba ang charm ni Alex.'

"So, one day bigla akong natulala, 'tapos kinapa ko ang puso ko. Sabi ko, 'Nai-in love na nga yata ako kay Alex.'"

ROCK AND ROLL WITH ALEX. Para kay Echo, ang pagiging masayahin ni Alex ang isa sa puwede niyang ika-in love dito.

"Who will not fall in love with someone who makes you laugh every day?" pahayag pa ni Jericho.

"Hindi mahirap ma-in love sa katulad ni Alex. Kasi rock and roll ang buhay mo pag si Alex ang kasama mo."

Sa bandang huling bahagi ng presscon, tinanong si Echo kung ano na ba ang hinahanap niya sa isang babae ngayong single na naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta yung taong nagpapasaya sa akin at nagpapangiti araw-araw.

"I don't wanna over-analyze it anymore. Once I see that person na pinapangiti ako every day and I easily get inspired, I'll go for it. No matter what."

Basta raw katulad din niyang available, yun na ang babaeng liligawan niya. Wala nang tago-tago pa katulad ng ibang past relationships niya.

"I'm tired of hiding and stuff," sabi pa ni Echo.

Hindi na rin daw niya papakinggan yung mga sinasabi ng iba na sana ay huwag na lang taga-showbiz ang makarelasyon niya.

"I don't really care anymore. E, dito 'ko gumagalaw sa showbiz. I want somebody who understands. Basta, as long as she makes me happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN