Louise delos Reyes torn between Enzo Pineda and Alden Richards?

"Kasi po ako, hangga’t hindi nagsasabi sa akin yung lalaki, na sa akin talaga mismo and sa mga parents ko, and dumadalaw sa bahay, hindi ko talaga kinu-consider na nanliligaw sa akin. Kahit siguro sinong babae, aasahan nila pag talagang seryoso sa iyo ang isang lalaki, sa bahay ka liligawan. And talagang with consent ng parents," says Louise delos Reyes, who is rumored to be courted by Enzo Pineda (inset, top). Meanwhile, Louise’s le


Si Louise delos Reyes ang sumalang sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, April 10.

Sa simula, binanggit ng segment host na si John "Sweet’ Lapus" na balitang maraming sweet gestures ang StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda kay Louise; dinadalhan siya nito ng pagkain kapag dumadalaw sa set ng Alakdana at niyayaya siya ng binata na mag-date sila sa mall.

Base sa mga gestures na ito na ipinapakita ni Enzo, nililigawan ba siya ni Enzo?

"No" ang sagot ni Louise at "Lie" ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

Nagpaliwanag si Louise: "Kasi po ako, hangga’t hindi nagsasabi sa akin yung lalaki, na sa akin talaga mismo and sa mga parents ko, and dumadalaw sa bahay, hindi ko talaga kinu-consider na nanliligaw sa akin.

"Kahit siguro sinong babae, aasahan nila pag talagang seryoso sa iyo ang isang lalaki, sa bahay ka liligawan. And talagang with consent ng parents."

So, para kay Louise, ang pagdalaw-dalaw ni Enzo sa set ay dalaw lamang bilang kaibigan?

"Kasi minsan...ayoko ring mag-assume, mahirap para sa babae," sagot niya. "Kailangang sa lalaki nanggagaling yung mga ganun, sinasabi sa babae. And kung minsan kasi, may taong talagang sweet kahit gusto lang yung company mo."

Si Louise at ang leading man niya sa Alakdana na si Alden Richards ay may importanteng pinag-usapan diumano na ayaw nilang i-reveal. Kaya ang sumunod na tanong ni Sweet kay Louise ay kung totoong ang usapang iyon ay ang sinabi sa kanya ni Alden na liligawan na siya ng binata kapag nag-18 na siya.

"No" ulit ang sagot ni Louise at "Lie" na naman ang naging resulta.

Paliwanag ni Louise, "Hindi, kasi ang mga pinag-uusapan talaga namin ni Alden, tungkol sa career namin. And kunyari meron akong nagugustuhan, sasabihin ko sa kanya. Pag meron siyang nagugustuhan, sasabihin din niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang meron kaming ganoong understanding, pero hindi naman po yung liligawan niya ako pag 18 na ako, wala po. And yung sa career namin, na mas uunahin namin, and yung studies."

Louise is now 17 years old.

MAGKARIBAL. Nagiging magkaribal na sina Alden at Enzo kay Louise.

Nagpahayag na si Alden sa isang interview na as much as possible ay ayaw niya na nasa set si Enzo, pero hindi malinaw kung pagbabawal iyon. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya ang pangatlong tanong ni Sweet kay Louise ay kung totoong pinagbawalan ni Alden si Enzo na bumisita sa set ng Alakdana.

"No" na naman ang sagot ni Louise at "Lie" muli ang resulta nito.

Ang muling paliwanag ni Louise, "Hindi po, wala namang nagbabawal sa kanya. And siguro kung parang nasabi ni Alden na ayaw niya as much as possible na nandun si Enzo, hindi ko po alam kung ano talaga yung gusto niyang ipahiwatig dun, or yung nararamdaman niya."

Last week na nag-taping si Louise ay hindi na dumalaw si Enzo. Huling pumunta ito sa taping niya two weeks ago.

"Pero friends naman po silang dalawa, nag-uusap po sila. Nag-usap po sila kahapon," banggit ni Louise.

Inaamin ni Enzo na kinikilala nitong mabuti si Louise na tila may balak yatang manligaw, at si Alden naman ay may pahiwatig na liligawan nito si Louise kapag 18 na ang dalaga.

Kaya ang huling tanong kay Louise: Sa pagitan nina Enzo at Alden, meron na bang mas matimbang sa puso niya?

"Yes" ang sagot ni Louise at sa unang pagkakataon ay "Truth" ang lumabas na resulta.

Sino ang mas matimbang sa puso niya ngayon?

"Siguro po sa ngayon, para sa akin po muna ’yon. At saka ngayon po kasi, hindi ’yon ang priority ko, e. Mas priority ko po ngayon ang career and yung studies ko. Kung talagang meron talagang lalaki para sa akin, darating at darating yun," sabi ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN