Kim Chiu denies having had a "nose job"

"Hindi naman talaga dapat pisikal lang ang kagandahan. Kasi sa akin, pag mabait ka, maganda ka na... Kapag may tiwala ka sa sarili mo na maganda ka, maganda ka na talaga. Hindi naman kailangang baguhin ang pagkatao," says Kim Chiu.


"Kung gusto talaga nila, i-prove ko sa kanila kasi wala po talaga."

Ito ang hamon ni Kim Chiu sa mga naglalabas ng balita na siya raw ay nagparetoke ng ilong.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News sa kanyang birthday presscon kahapon, May 3, itinanggi ng Kapamilya young actress ang mga espekulasyon na ito.

"May mga ganoon nga akong nababalitaan, pero wala naman po. Pero itong ilong ko, gumagalaw pa naman sila!" biro pa niya.

Giit din ni Kim, kahit pa daw tingnan nang malapitan ang kanyang ilong, mapapatunayan niya na natural ito at hindi ipina-doktor.

"Lalo na sa ilong ko, gawa-gawa [daw itong] ilong ko, [kahit] hindi naman talaga, kahit silipin ninyo pa ang mga sides," sabi niya.

Ipinaliwanag din ni Kim na para sa kanya, hindi lang sa pisikal nakikita ang totoong kagandahan kung hindi sa ugali ng tao.

"Hindi naman talaga dapat pisikal lang ang kagandahan. Kasi sa akin, pag mabait ka, maganda ka na...

"Kapag may tiwala ka sa sarili mo na maganda ka, maganda ka na talaga. Hindi naman kailangang baguhin ang pagkatao."

Sa Biyernes, May 6, ay balik-taping na si Kim para sa kanyang bagong primetime series sa ABS-CBN na Binondo Girl, kung saan makakatambal niya sina Matteo Guidicelli, Jolo Revilla, at Xian Lim.

Kaya naman pakiusap niya sa mga nagpapakalat ng balita na ito, "Huwag naman sanang manira and sana kung sabihin nila kung ano man ’yon, sana totoo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN