Christian Bautista is "very happy" with his international career

Christian Bautista is leaving for Singapore this Monday for preparations and shooting of the musical series, Kitchen Musical, which will air in October at Studio 23.


Sa Lunes, June 6, ay lilipad ang singer-actor na si Christian Bautista papuntang Singapore para sa shooting ng first Pan-Asian musical series na Kitchen Musical.

Marami ang nagsasabi na ang musical series na ito ay may pagkakahawig sa hit U.S. musical-comedy series na Glee, kung saan naging guest star ang Pinay international singing sensation na si Charice.

"Yes, parang," pagsang-ayon naman ni Christian.

Pero aniya, "Kakaiba dito sa Kitchen Musical, halimbawa ikaw yung chef, master chef ka, ako under mo lang.

"Sasabihin ko, ’Chef, ito recipe natin ngayon.’

"Pag sinasabi ko yung recipe, biglang magpo-focus yung TV dun sa recipe, na magandang pag-shoot.

"So, parang cooking show din na by the end of the show, yung recipe ay magiging available sa Internet.

"So, meron siyang ganung factor, yun ang main difference."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa contract signing niya bilang endorser ng Ink All You Can kahapon, June 1.

Makakasama ni Christian sa cast ng Kitchen Musical sina Karylle, Thou Reyes, at Ikey Canoy.

Sina Karylle at Thou ay kasama ni Christian sa ABS-CBN, samantalang si Ikey naman ay kasamahan ng singer-actor sa Stages.

Apat na buwan mananatili sa Singapore ang grupo nina Christian para sa mga training at actual shooting ng kanilang palabas.

"Wala po masyadong halos uwi yun," banggit niya.

"So, ang uwi ko lang is June 30. Wala akong ASAP, wala akong show."

Ang Kitchen Musical ay nakatakdang ipalabas sa Studio 23 sa October.

A SPECIAL SYMPHONY. Nabanggit ni Christian na sa June 30 ay babalik siya sa Pilipinas para sa premiere ng Indonesian movie niya na A Special Symphony (Simfoni Luar Biasa), na may international title na Jayden’s Choir.

Ito ang kauna-unahang full-length international film ni Christian.

Ano nga ba ang kuwento nito?

"Ang story nito, na parang I’m a Filipino musician na out of work. Pumunta ako sa Indonesia kasi nandun na lang yung natitirang pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mother ko dun, married na with an Indonesian. So, parang may tension kami, pero kailangan ko ng trabaho.

"Yung school na mina-manage niya, kailangan ng substitute teacher for music. Since musician ako, ginawa muna akong substitute teacher.

"Pero nalaman ko yung mga estudyante pala, e, special children, with special needs.

"So, dun umiikot yung story."

Ang A Special Symphony ay hindi raw purely musical tulad ng inaakala ng iba.

"Meron siyang kantahan, pero like yung choir kakanta, pero hindi yung nag-uusap tayo biglang [kakanta], hindi siya ganun," paliwanag ni Christian.

Bagamat umiikot ang istorya sa special children, hindi naman daw lahat ng nasa cast ay may ganung kaso.

"Meron isang special child talaga. Tapos yung ibang mga bata, bagong aktor, talagang magagaling.

"At talagang nakipag-aral with the special children para makuha nila."

Bukod daw sa musical numbers, dapat din daw abangan ng mga tao ang iba pang mga eksena na may comedy, drama, at action.

At dahil pang-international release ang pelikula, tatlong salita ang gagamitin ni Christian dito—Tagalog, English, at Bahasa.

Ang A Special Symphony ay ipalalabas sa August 3.

MUSIC VIDEO. Bukod sa musical series at pelikula, may ginawa ring music video si Christian kasama si Kris Aquino. Ito ay para sa compilation album ni Kris na My Heart’s Journey.

Kuwento ni Christian, "Kasi sa album niya ’to, e, album ni Kris Aquino ’to.

"I’m very happy na nag-tweet nga siya before na gustung-gusto niya nga yung ["Love Moves in Mysterious Ways"].

"Tapos nalaman ko na lang na ito yung gusto niyang maging premier, and magkaroon kami ng music video.

"So, very happy."

Naging usap-usapan na gusto raw ni Kris na sa nasabing music video na kinunan sa Shangri La Hotel ay mag-topless si Christian. Pero hindi naman ito nangyari.

"Kasi maraming options sana, e," sabi ng Kapamilya actor-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Una sa mga beach, yung sexy. Next option, naging bodyguard na ano...

"Next option, medyo kinonek namin sa Kitchen Musical. Chef ako dun, so sine-servan ko siya.

"Medyo may love story kami."

Ito ang unang beses na nagkatrabaho sina Christian at Kris.

Bagamat naiilang nung una, nag-enjoy naman daw ang romantic balladeer na makatrabaho ang Queen of All Media.

"Pero actually, ang sarap niya katrabaho, kuwentuhan lang.

"Una nga, medyo na-intimidate ako, e. Kasi hindi ko pa siya nakakasama ng talagang matagal," sabi ni Christian.

PULLING AWAY FROM THE COMPETITION. Hindi man ganun ka-visible ngayon si Christian, marami pa rin siyang proyekto hindi lamang locally, kundi sa international din.

Kaya obserbasyon ng iba, tila napag-iwanan na niya ang mga kasabayan niya, partikular na si Erik Santos.

Ano ang reaksiyon dito ni Christian?

"Pinag-uusapan namin ’yan," banggit niya.

Pero aniya, "Lahat kami may strength, may sariling direksyon.

"Si Erik Santos, lahat ng kanta niyan nasa teleserye, nasa sine, nasa ano...

"So, kilalang-kilala yung mga kanta niyan.

"Yung mga kanta ko, mas radio, mas ibang bansa.

"Iba-iba lang ng direksiyon.

"So, I’m very happy with the things are going now...

"Going international, wow, konti lang makakagawa niyan," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN