Lovi Poe chooses not to meddle in Marian Rivera-Heart Evangelista issue

"I guess it’s better not to talk anymore, like I said kanina, both parties aren’t here to defend themselves. Let’s just leave it sa kanila. Mas mahirap ayusin kapag marami nang nagsasalita," says Lovi Poe about the issue involving her Temptation Island co-stars Marian Rivera and Heart Evangelista.


Saksi si Lovi Poe sa gulong nangyari kina Marian Rivera at Heart Evangelista sa shooting ng Temptation Island sa Laoag, Ilocos Norte hanggang sa pag-uwi nila ng Maynila, kung saan na-involve ang mother ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Biro nga ng co-star nilang si John "Sweet" Lapus, si Lovi ang "star witness" o "Jessica Alfaro" sa pinag-uusapang isyung ito.

Si Lovi kasi ang kasama ni Marian nang kumprontahin diumano ang Amaya star ng ina ni Heart sa airport.

Pero ano nga ba ang reaksiyon ni Lovi sa isyung ito sa pagitan nina Marian at Heart?

"I don’t know what to say. I guess I was saddened by the turn of events," sabi ng aktres sa presscon ng Temptation Island kaninang tanghali, June 23, sa Imperial Palace Suites.

Hindi naman idinetalye ni Marian ang nangyari sa airport kung saan nabalitang may mga pulis o bodyguards diumano na kasama ang mommy ni Heart. (CLICK HERE to read related story.)

Tungkol dito, sinabi ni Lovi na, "I think it’s best na we don’t talk about it because both parties aren’t here to defend themselves.

"So I think it’s best na huwag nang pag-usapan. Let’s just talk about Temptation Island."

PEACEMAKER. After ng presscon, muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Lovi.

Lumalabas na si Lovi ang peacemaker between Marian at Heart. Isang ugaling namana niya yata sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe, Jr.

"No, no!" natatawa niyang reaksiyon.

"I think it’s best na... especially na maliit lang ang mundo natin, sana mas maganda kapag maayos ang lahat.

"Mas masarap magtrabaho pag ganoon," katuwiran niya.

Pagdating ba ni Heart mula sa Brazil, gagawa sila ng paraan upang magkabati sina Marian at Heart?

"I guess it’s better not to talk anymore, like I said kanina, both parties aren’t here to defend themselves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think let’s just leave it sa kanila.

"Mas mahirap ayusin kapag marami nang nagsasalita," sabi ni Lovi.

SUPER INSPIRED. Kahit anong pilit kay Lovi na magsalita, siya na rin mismo ang pumipigil sa sarili na huwag nang makialam sa nangyari.

Mas piniling magsalita ng young actress sa sitwasyon niya ngayon.

"I guess I’m happier now. I was happy before and happy now," sabi niya.

In love ba siya ngayon?

"I guess I’m super inspired now dahil sa trabaho ko ngayon.

"I feel so blessed at nagagawa ko ang pinakamamahal kong gawin," tugon ni Lovi.

Nate-tempt ba siya minsan na lumipad papuntang Hong Kong para bisitahin ang nakakulong niyang ex-boyfriend na si Ronald Singson?

Tumawa muna si Lovi bago sumagot.

Aniya, "I think for me, since I’ve been working a lot since Temptation... trabaho muna ang iniisip ko, think of myself first."

MOVIE WITH DINGDONG. Pagkatapos ng Temptation Island, nagsimula agad si Lovi ng shooting para sa pelikula nila ni Dingdong Dantes, ang Aswang.

Biro naman ng press kay Lovi, hindi kaya siya pagselosan ni Marian dahil si Dingdong ang leading man niya?

"Hindi, ate ko naman siya at alam niya ’yon," sabi niya.

Kuwento pa niya tungkol sa pelikula, "Maganda kasi kakaiba siya. We don’t have to transfer to different locations. Kumbaga, gumawa ng set.

"Na-amaze ako kasi para siyang nasa ibang bansa kasi nandoon na lahat."

Halos lahat ng prime actors ng GMA-7 ay nakapareha na ni Lovi. Bukod kay Dingdong ay nakapareha niya na rin sina Dennis Trillo at Richard Gutierrez.

So, siya na ba ang "most desirable leading lady"?

"No, no!" tawa ni Lovi.

"I don’t know what to say about that. I’m just thankful.

"Really, really blessed at pinagkakatiwalaan sa proyektong ito.

"Sana hindi ko sila mabigo."

MOVIE WITH THE QUEEN. Kung sakaling pagsamahin sila ni Ms. Susan Roces sa isang TV show, papayag ba siya? Si Susan ang biyuda ng ama ni Lovi na si FPJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, yes! It would be an honor for me," sambit naman ng Kapuso actress.

Wala kayang magiging ilangan sa kanila?

"No, no... I think we’re way past that."


KUYA RONIAN. Ano naman ang masasabi niya na galit daw ang half-brother niyang si Ronian Poe sa pagpapaseksing ginagawa niya?

"Well, I guess kanya-kanyang opinyon lang ’yan. Wala naman akong sinabi sa kanya.

"Wala na siyang magagawa kasi I’ve done that na!" tawa niya.

"Nandiyan na ako kumbaga.

"For me, it’s part of my job to grow individually. To mature.

"May limitations naman ako," eksplika niya.

Pero okey naman ba sila ni Ronian?

"Yeah, okey kami. Magkapatid kami, so sino pa ba ang...

"Wala naman siyang harap-harapang sinabi.

"Sino pa ba ang magkakasundo sa mundong ito kundi ang magkapatid?" sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN