Model claims being "harassed" due to her involvement in the Azkals controversy

(Clockwise) Azkals players Jason Sabio, Anton del Rosario, Neil Etheridge, and Simon Greatwich are dragged into a controversy involving a freelance model.


Biglang lumitaw at nagpa-interview kaninang hapon, July 14, ang babaeng iniuugnay sa isyu ng mga Azkals na sina Simon Greatwich, Jason Sabio, Anton del Rosario, at Neil Etheridge. (CLICK HERE to read related article).

Siya ay isang freelance model.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) at iba pang media sa kanya, hiniling ng modelong ito na i-blur ang kanyang mukha kapag ipinalabas ang kanyang interviews. Kaya, minabuti ng PEP na huwag na lang munang banggitin ang kanyang pangalan sa artikulong ito.

Dapat sana’y kasama ang model na ito sa isang segment ng FHM 100 Sexiest Victory Party 2011 show sa World Trade Center ngayong gabi, July 14, ngunit bigla raw siyang pina-pull out sa show.

Tinanong ng PEP kung bakit siya inalis at kung sino ang nag-utos rito.

Ayon sa kanya, "What happened here is that... Well, yesterday [July 13], I was already told by someone from the magazine that I was being pulled out from the show today.

"So, what I did was I still came here today to insist to still be in the show.

"Kasi, wala naman akong kasalanan, wala akong ginagawa. Wala naman akong issue na ginagawa.

"So, I still came here today at nag-rehearse pa ako nung umaga."

Dagdag pa niya, "GMA-7 was able to record it na I was rehearsing for the show, two people talked to me again and told me that they really have to pull me out from the show."

Ayaw naman niyang sabihin kung sino ang mga taong nagpa-pull out sa kanya sa show.

Maingat sa kanyang pagsasalita ang modelo dahil ayaw niya raw makasuhan ng libel at baka i-deny ng mga taong babanggitin niya na sila nga ang nagpa-pull out sa kanya.

"I still need to talk to my lawyer about that," sabi niya.

Pakiramdam ng modelo, hina-harass siya sa isang bagay na hindi naman siya ang may kasalanan at nagpasimula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I feel I am being harassed. I mean, why is my job being taken away from me? This is my job," saad niya.

Tinanong ng PEP kung may koneksyon ang pagkakatanggal niya sa show sa pagkakadawit ng pangalan niya sa ilang miyembro ng Azkals.

"You tell me, do you think it has something to do with the Azkals? Would you be here interviewing me if my name was not being linked to the Azkals?" balik-tanong niya.

Tinanong din ng PEP kung may katotohanan ba ang mga istorya tungkol sa kanya at sa apat na miyembro ng Azkals.

"You know, I really have to ask my lawyer before I say anything. So for now, no comment muna," sabi niya.

Ang stand naman ng FHM sa isyung ito ay:

"Yes, she was pulled out. It’s the brand’s prerogative because it’s their segment buy in the show... We just want to make it clear, hindi FHM ang nagpa-pull out sa kanya."

Inalam ng PEP kung may representative ng sponsor na nasa venue, ngunit hindi naman ito available para sa side nito.

Nananatiling bukas ang PEP para sa panig at paglilinaw ng lahat ng may kaugnayan sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN