JC Tiuseco to undergo knee operation this August

"Torn ACL, anterior cruciate ligament. Minsan kasi namamaga siya kapag nagkakamali ako ng galaw. Tapos kapag mga fight scenes dito sa Sisid, minsan masakit din," says JC Tiuseco on why he has to undergo operation.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hunky male star na si JC Tiuseco sa taping ng Sisid last August 4, sa Multinational Village sa ParaƱaque.

"Masaya, masaya yung Sisid [taping] kasi masaya kami lahat sa set

"Walang problema, yung mga cast. Yung bonding namin, okay," masayang bungad na pahayag ni JC.

WHO WILL WIN JACKIE? Napapabalitang may gap, or issue sa pagitan nila ng isa pang leading man ng Sisid na si Dominic Roco dahil umano may mas lamang ang exposure sa soap opera ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Jackie Rice.

"Hindi, okay kami ni Dominic. Walang issue sa amin sa exposure.

"Lagi nga kaming magkasama ni Dominic. Tapos minsan lumalabas din kaming buong cast," sabi ni JC.

Kanino ba mapupunta si Jackie sa ending ng Sisid?

"As of now hindi pa namin alam. Kasi yung mga nabasa namin na script hanggang week 13 pa lang. Wala pa."

Kapag hindi kay JC mapunta si Jackie sa huli ay okay lang naman daw kay JC.

"Oo naman, okay lang naman sa akin basta sa ikagaganda ng story.

"Ang airing po yata namin hanggang September pa."

Sanay na ba si JC na laging maigsing maong shorts ang suot niya sa soap?

"Hindi pa!" natatawa nitong sinabi.

"Kapag nandun sa island, okay lang. Pero kapag nandito sa Manila [hindi].

"May mga ilang beses na nandito sa Manila, tapos pinagsusuot ako ng ganun. Nakakailang pa din.

"Yung mga scenes kasi namin ngayon, mostly dito na sa Manila kaya naka-pants na [ako]."

Malaki raw ang naitulong ng stint niya sa Sisid sa kanyang pag-arte.

"Nagiging confident na ako ngayon sa acting ko. Feeling ko kasi ngayon mas nag-improve na acting ko.

"Marami namang nagsasabi na compared sa dati kong nagawa, malaki na yung nagbago."

Sa dalawang taon ni JC sa showbiz, may isang bagay na importatante niyang natutunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mag-focus lang talaga sa work. Na mahalin mo yung trabaho mo.

"Na huwag i-take for granted kasi madaming opportunities na dumadating. Na kapag sinayang mo baka hindi na dumating ulit."

NEW CASTAWAYS. Magkakaroon daw ulit ng Survivor Philippines kung saan si JC ang unang itinanghal na Sole Survivor.

"Excited ako! Excited din akong malaman kung sino yung mga castaway ngayon. May mga nababalibalitaan ako, pero wala pang sure," sabi niya.

Loveless daw si JC ngayon.

"Wala pa rin. Walang lovelife, wala kasing nakikilala," pag-amin niya ring wala raw siyang nililigawan ngayon.

BRAZILIAN COUNTERPARTS. Nasa ilalim ng Mercator ang career ni JC, kung saan kasamahan din niya sina Mikael Daez, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, at Akihiro Sato.

May mga nagsasabing naungusan, o nalampasan na nila ni Mikael ang mga Brazilians na sina Daniel, Fabio, at Akihiro in terms of their respective showbiz careers, to prove na iba pa rin ang Pinoy.

Ano ang masasabi ni JC dito?

"Nilampasan ba? Parang pare-pareho lang naman," depensa niya.

Humahataw sa ratings ang Sisid at ang Amaya kung saan isa sa mga bidang male stars si Mikael.

"Or siguro advantage pa din yung nakakapag-Tagalog. Kasi pagdating sa mga projects, sa mga soaps, kailangan pa rin siyempre yung Tagalog.

"Kaya sina Fabio, nag-aaral talaga silang mag-Tagalog ngayon. Si Daniel ganun din."

To prove na walang competition, ka-close nga raw ni JC ang mga nabanggit na Brazilian.

"Aki at Fabio, si Daniel medyo. Kaibigan ko naman sila."

KNEE OPERATION. Samantala, sasailalim si JC sa isang operasyon ngayong Agosto. May injury sa tuhod si JC na nakuha niya sa isang aksidente sa paglalaro ng basketball.

"Magpapaopera kasi ako sa August sa tuhod. Torn ACL, anterior cruciate ligament.

"Minsan kasi namamaga siya kapag nagkakamali ako ng galaw.

"Tapos kapag mga fight scenes dito sa Sisid, minsan masakit din.

"Hirap na din akong maglakad kaya kailangan ko nang ipaopera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa right [knee], hopefully sa August 20 magpapaopera ako kasi last taping day yata namin August 16.

"Lalagyan ng screw and bagong ligament [ang tuhod ko]. Magga-graft ng ligament tapos ilalagay sa loob.

"Then after eight months ng therapy, puwede na ulit ako mag-basketball," sabi ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN