Rufa Mae Quinto recalls last moments with her Lola Lucing

Naluluhang inalaala ng comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto ang huling pag-uusap nila ng kanyang Lola Lucing. Aniya, "Nakapagsalita pa siya na, ’Talagang wala na... Tanggapin mo na...’ Tapos sabi ko, love na love ko siya, ’wag na niya akong intindihin, love you. Sabi niya, ’Alam ko naman yun, e, love you too.’ Yun yung mga last niyang sinabi."


Noong Lunes, August 8, pumanaw ang lola ni Rufa Mae Quinto na si Lola Lucing.

Namatay si Lola Lucing, o Luisa Vergara Peña, bandang alas-siete ng umaga kahapon, sa edad na 86, dahil sa sakit na stage 4 colon cancer.

Matatandaang noon lamang June 3, nakasama pa si Lola Lucing sa birthday celebration ni Rufa Mae.

Masayang-masaya pa nga ang aktres nang ibalitang bumubuti na ang kalagayan ng kanyang lola. (CLICK HERE for related article.)

Pero ikinuwento ni Rufa Mae sa In The Limelight ng GMA News TV kagabi, August 10, na ilang araw pala matapos ang selebrasyon ng kanyang kaarawan, isinugod sa ospital ang kanyang lola.

Naging maayos naman daw ang lagay ni Lola Lucing matapos ma-confine ng ilang araw.

Pero hindi nagtagal, muli raw itong dumaing sa mga sakit na nararamdaman, bunga ng kumplikasyon sa sakit na colon cancer.

"Ayun na, nabalik siya sa ospital ulit one Sunday," kuwento niya.

"Hanggang sa inuwi na siya sa bahay.

"Mga five days na naman siyang tumagal tapos yun na, paggising namin 7 a.m., wala na..."

THE LAST MOMENTS. Bagamat nakakangiti na, mugto pa rin ang mga mata ni Rufa Mae nang magpaunlak sa interview.

Alam ng karamihan, lalo na ng mga kaibigan niya sa showbiz, na malapit si Rufa Mae sa kanyang lola.

Ito raw kasi ang nagpalaki sa kanya simula pa noong bata siya, na hanggang sa pagtanda niya’y patuloy na nakasuporta sa kanya.

Kumusta na nga ba siya ngayon?

"Okey naman, medyo tulala pa," sagot niya.

"Siyempre, parang nagulat, biglaan, di ba?

"Pero okey na rin, kasi hindi ko na rin kayang makita siyang nahihirapan dahil cancer stage 4, e, cancer sa colon."

Malungkot pa na idinagdag ni Rufa Mae, "Mahirap din, a, makita mo yung isang lola mo na naghihingalo na sa tabi mo.

"Tapos tatanggapin mo na lang na, okay na, kesa nasasaktan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang cancer pala, parang nginangatngat yung katawan mo, e."

Naikuwento rin ng aktres, bago pumanaw ang kanyang Lola Lucing ay nagkausap pa sila.

"Himala" raw itong maituturing dahil hirap na daw talaga itong magsalita.

Nangingiti si Rufa Mae habang inaalala ang huling sandaling ito na nakausap niya ang kanyang Lola Lucing.

Kuwento niya, "After Showbiz Central, dumiretso na ako sa bahay.

"Until, nakapagsalita pa siya na, ’Talagang wala na... Tanggapin mo na...’

"Tapos, sabi ko, love na love ko siya, ’wag na niya akong intindihin, love you.

"Sabi niya, ’Alam ko naman yun, e. Love you too.’ Yun yung mga last niyang sinabi."

HAVING A PURPOSE. Hindi raw madali para kay Rufa Mae na tanggapin ang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na lola.

Gayunman, alam daw niyang mas makakabuti nang mamahinga ito.

"Siyempre masakit, dahil I grew up with her, e," naluluhang sabi ni Rufa Mae.

"Yung tipong bata pa ’ko, pag nagising ako na wala siya sa tabi ko, umiiyak ako, e.

"So, happy din ako na in a way, as a grandchild, daughter, parang bumalik ako sa bahay namin, e.

"Di ba, nagso-solo ako for 10 years? So, for more than two years I stayed with my family, and siguro yun yung purpose din, why I stayed there.

"Di ba, I sold my house to Iza Calzado? Parang naisip ko nga, ba’t nandito ako, sama-sama kaming family?

"E, yun na pala yun, para magkaroon kami ng time to bond, ganyan.

"Di rin ako nagsisisi kung bakit hanggang ngayon hindi ako nag-asawa.

"Siguro ito yung dahilan, para hanggang sa pagpikit niya, siya’y may kasama na aalaga sa kanya."

Sa pagpanaw na ito ni Lola Lucing, may simpleng mensahe si Rufa Mae sa kanya:

"Huwag siya mag-alala, kasi hindi na ako tulad nung parang una, na tingin niya parang baby pa ako, alaga niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matanda na ’ko!

"So, message ko siyempre, mahal na mahal ko siya,

"’Tsaka [I’ll] make it better, very good with everything I do, alam mo yun?

"I’ll be the best. I’ll try to be the best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN