Kristoffer Martin admits Joyce Ching is a "special friend"; reveals crush on Barbie Forteza

"Maalaga kasi siya, e. Halimbawa, magte-take ako, tapos kakain na sila, pero hihintayin niya ako bago siya kumain. Tapos ire-reserve niya ako ng pagkain. Ganun siya ka-sweet. Ganun din ako sa kanya," says Kristoffer Martin about loveteam partner Joyce Ching.


Inspirado ang tween star na si Kristoffer Martin na pagbutihin ang kanyang trabaho, lalo na’t sa halos lahat ng proyektong ginawa niya at ginagawa pa ay kasama niya ang kanyang ka-loveteam na si Joyce Ching.

Mula sa primetime soap na Endless Love hanggang sa Tween Hearts, Munting Heredera, at sa palabas na ngayong GMA Films movie na Tween Academy: Class of 2012 ay mas naging close pa raw sila sa isa’t isa.

Very open at vocal nga si Kristoffer sa pagsasabing espesyal si Joyce sa kanya. Sa katunayan ay binigyan pa niya ang young actress ng isang singsing.

"Friendship ring lang naman yun. Silver siya na nabili ko sa Olongapo.

"Naisipan ko lang bigyan siya," sabi ni Kristoffer nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

CLOSE FRIENDS. Ano na ba ang estado ng relasyon nila?

"We’re still friends. Pero mas close na kami sa isa’t isa ngayon," sagot ng binata.

Ano ang espesyal kay Joyce at nagustuhan niya ito?

"Kasi sobrang gaan ng loob ko sa kanya, e.

"Simula pa lang nung Endless Love magkasama na kami. Tapos nung nag-Tween Hearts, naging ka-loveteam ko na siya.

"Tapos ayun, na-develop nang na-develop.

"Maalaga kasi siya, e," patuloy ni Kristoffer.

"Halimbawa, magte-take ako, tapos kakain na sila, pero hihintayin niya ako bago siya kumain. Tapos ire-reserve niya ako ng pagkain.

"Ganun siya ka-sweet. Ganun din ako sa kanya."

COURTING JOYCE. May balak ba siyang ligawan si Joyce?

"Siguro sa next day. Hindi, joke lang!

"Siguro hindi ko masasabi ngayon dahil bata pa, e. Puwede, pero siguro pag 18 na siya, ganun."

Nakapag-date na ba sila nang sila lang?

"Hindi. Nagkakasama kami pero kasama ang mga magulang."

Kung hindi pa sila, ibig sabihin ba nito puwedeng ligawan ng ibang lalaki si Joyce?

"Hindi," biro ni Kristoffer.

"Joke lang. Depende, hindi ko naman hawak ang buhay niya. Nasa kanya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, as much as possible, may choices siya. Hindi naman puwedeng isa lang, di ba?"

May iba pa ba siyang crush sa Tween Hearts bukod kay Joyce?

"Si Barbie [Forteza]," sagot niya.

Alam ni Barbie ’yan?

"Hindi."

Pero mas matimbang ba si Joyce kaysa kay Barbie?

"Yes," mabilis na sagot ng tween actor.

FUTURE BIG STAR. Marami ang nagsasabi na hindi malayong maging big star si Kristoffer in the future dahil taglay nito ang height, looks, at talento sa pag-arte at pagkanta.

Ano ang komento niya rito? Nape-pressure din ba siya?

"Nao-overwhelm po ako pag may nagsasabi sa akin ng ganyan," sabi niya.

"At the same time, thankful din ako dahil nakikita nila yung potensiyal sa akin.

"Yung pressure, siguro lagi naman ’yang nandiyan.

"Basta ang maipapangako ko lang ay gagawin ko lagi ang best ko.

"Patuloy akong mag-aaral para mas maging mahusay pa.

"Gagawin ko yun para sa mga sumusuporta at nagtitiwala sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN