Isabelle Daza says mom Gloria Diaz is not entirely happy about her choice to live independently

Naging open si Isabelle Daza sa pag-aming nagtampo ang inang si Gloria Diaz nang bigla itong magdesisyon na bumukod at manirahan sa isang condominium. Wala naman daw malaking kumprontasyong naganap sa pagitan nilang mag-ina. Ani Isabelle, nagtampo lamang daw ang ina dahil nalulungkot ito na mapapalayo sa kanya ang anak na dalaga.


Very proud ang local owners at managers ng French direct selling company na Sophie Paris na ipakilala sa media ang kauna-unahan nilang image model na si Isabelle Daza.

Naganap ang media launch noong Miyerkules ng gabi, August 24, sa showroom ng kumpanya sa Mandaluyong City.

Ayon sa outgoing general manager na si Guillaume Ricard, isang French national, si Isabelle ang kanilang "one and only choice" na maging image model dahil sinasalamin ng dalaga ang tunay na ganda ng isang Pilipina.

Sa pakikipanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kay Isabelle, sinabi ng TV host at model na masaya siya sa pagkakapili sa kanya ng French brand.

Ayon sa kanya, "I feel great and I’m honored to be a part of their company because I know that they are a hardworking group.

"Excited ako to be a part of the company. Involved sila with social awareness kaya tinutulungan nila talaga tayong mga Pilipino na umangat [sa buhay]."

"May advocacy sila and they’re very involved [with social projects].

"Actually, we’re working on a project. They’re gonna be coming out with baby products and a percentage of the products na mabenta ay ibibigay sa foundation.

"So, excited na ko dun kasi it’s gonna be involved with some street children and, of course, helping the poor and I think it’s a very genuine and good cause."

MANNY MANY PRIZES. Malaking factor para kay Isabelle ang pagtanggap ng mga proyektong alam niyang makakatulong sa ibang tao.

Tulad na lang ng pagsabak niya sa hosting sa programang Manny Many Prizes ng GMA-7 kung saan namimigay sila ng malalaking papremyo sa mga kalahok.

"Yes. Sa Manny Many Prizes and dami naming natutulungan and ang dami naming napapasaya dahil napaka-generous ni Ninong Manny [Pacquiao] na kahit hindi sila nananalo, kung napapanood n’yo, ay binibigyan pa rin ng malaking premyo. So, I like that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa rin daw si Isabelle sa mga napupulot niyang life lessons sa pamamagitan ng programa.

"Minsan pag commercial break, kinakausap ko yung mga contestant," sabi niya.

"Ang mga stories pala nila napaka-sad and I love seeing them na happy tumatalon-talon [kapag nasa show].

"Nata-touch ako like with this one guy, nabaha sila sa Davao. Nawalan siya ng five family members tapos nanalo siya ng P500,000.

"Not that yun yung talagang magpapasaya sa kanya, pero at least, makakatulong yun sa kanya."

GLORIA DIAZ. Una nang natanong si Isabelle ng isang reporter during the Q&A kung totoong may galit sa kanya ang inang si Gloria Diaz dahil diumano’y umalis na siya sa poder nito.

Inamin naman ni Belle na totoong hindi na siya nakatira sa bahay ng ina.

"Yes. I’m living alone. Independent na ’ko... [since] start of this year."

Totoo nga bang nagtampo daw sa kanya ang kanyang ina?

"Yes. My mom, yeah, nagtatampo siya but nothing too big naman."

Pinaliwanag ni Isabelle na normal lang naman daw ang naging reaksiyon ng ina.

"Parang minsan, sinasabi niya, "Hay, wala na ’kong kasama sa bahay. Ganyan.

"Siyempre, Filipinos, we’re very close to family. Yung mom ko siyempre gusto niya dun ako sa bahay kasama siya. But, I want to be independent."

Paano siya nagpaalam sa kanyang mom na aalis na siya sa kanilang family house?

"Hindi ako pinayagan. I just moved out.

"I told her that I bought a condominium and na-sad siya kasi she likes siyempre being there when she wakes up, when I wake up.

"Yun, but, I guess it’s all part of growing up."

Umiyak ba ang mom niya nang nalaman ang desisyon niya?

"Yeah, she cried," pag-amin ni Isabelle.

"Pero it’s like bittersweet... I think eventually ma-accept din niya kasi nandun na ’ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre hindi naman puwedeng magtampo siya forever."

INDEPENDENT LIVING. Kumusta naman ang buhay ng isang independent girl?

"Ibang experience siya dahil siyempre you don’t have people to help you.

"Ikaw na ang gagawa ng laundry mo... pati yung electricity, minsan yung aircon bukas buong araw tumataas yung bill, di ba?

"I’m sure na-experience n’yo lahat yun.

"And so, mas naa-appreciate ko siyempre yung mom ko," ani Belle, na aminadong nami-miss niya rin ang pag-asikaso sa kanya ng kanyang ina.

"But also, I think it’s a part of life na ikaw na yung magbabayad ng buong buhay mo kaya kayod talaga. We have to work hard."

Dagdag pa ni Belle, siya na raw ngayon ang nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan niya sa pang-araw-araw.

"Yes. Actually, yun [pag-grocery] yung pinakamahirap. Like, toilet paper, ang taas na ng [presyo ng] toilet paper, kuryente...

"Actually, yung laundry ko wala akong washer/dryer kasi napakamahal so inuuwi ko yung labada ko dun [sa bahay ni Mommy].

"But now, I’ve learned on my own.

"Siyempre a lot of Filipinos don’t know how to do our own laundry because we have help.

"So yun, pati washing dishes, wala akong kasama dun.

Marunong ba siyang magluto?

"I cook. Pero feeling ko ako lang ang may gusto sa luto ko!" natatawang sagot ni Belle.

Ano naman ang kaya niyang lutuin?

"Pasta. Very basic stuff. Kapag may rice, tapa, bangus... and I like to bake also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN