Heartthrob Enrique Gil ready to "tease" on Cosmo Bachelor Bash: "Konting tikim kung anuman ang meron ako!"

"Basta yung Star Magic, mga handlers ko, mga managers ko, kung sa tingin nila tama siya for my image, okay lang po talaga. Pero kung sa tingin nila, sobra na siya for my image, yun, susundin ko po sila kung anuman ang desisyon nila," says Enrique Gil about playing daring roles in the future.


Pasok sa Top 10 Centerfolds ng Cosmopolitan this year ang Kapamilya young star na si Enrique Gil.

Kung nagpaka-daring ang ibang stars sa kanilang pictorial for Cosmopolitan, understandable naman kung medyo "conservative" pa ang kay Enrique, considering his wholesome image.

When asked about this at the press conference of Cosmo Bachelor Bash at Richmonde Hotel last September 6, sinabi ni Enrique na hindi naman siya ang pumili ng isusuot niya sa pictorial.

"Sila kasi ang pumili. Sabi nila, bawal pong mag-underwear or anything. So, pinili na shorts.

"Siyempre, magso-shorts ka naman kung magu-swimming ka. So, yun po," paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kung siya ang masusunod, mas gusto ba niya ang mas daring na pictorial?

"Kung ako po ang masusunod, personally, okay lang," nakangiti niyang sabi.

"Pero siyempre, yung image din po na sinusunod at saka, depende rin po sa handler ko at sa mga bosses ko sa ABS-CBN.

"Sabi po, bawal po. Yung inaalagaan din naman po yung image ko."

Nahirapan ba siyang i-convince to pose for Cosmo, o nandoon naman ang pagiging game niya sa mga ganitong pictorial?

"Hindi naman po. Sabi ko rin naman po... Hindi ba, parang sabi nila, kapag nag-Cosmo ka, hindi ka na puwedeng mag-Candy Cutie ulit?

"Pero sabi naman po nila, ’Ikaw, hindi ka puwedeng mawala sa Candy [teen mag]. Kasi, yung mga Candy girls, magagalit.

"So, ang gagawin mo, Candy at saka Cosmo. Ikaw lang ang gagawa ng ganoon.

"So, sabi ko, okay na rin, at least may fan-base ako sa dalawa.

"Sa mga fans na mas older audience, pati sila, maa-appreciate na rin nila ang trabaho ko. At least, pati sila, mapasaya rin.

"So, gagawin ko ito [para] sa mga older fans."

Isa rin si Enrique sa rarampa sa Cosmo Bachelor Bash on September 15, Thursday. Biro nga sa kanya, "magpapatikim" na raw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Konting tikim kung anuman ang meron ako!" natatawang sabi niya.

SEXY DUDE. Sa pagkakasama niya bilang isa sa Cosmo Centerfolds, nararamdaman na ni Enrique na he’s really a sexy guy?

"I don’t know nga, e. Kaya nga siguro sa Bash, mas interested ako kapag naghihiyawan ang mga babae.

"I have to prove myself din," sabi niya.

Ano sa tingin niya ang mga dapat pang i-improve sa katawan niya?

"Para sa akin, more on exercise pa," sabi niya.

"Dati kasi, malaki talaga ako... as in super-heavyweight! As in, parang naging bouncer ako dati.

"Ngayon, mas tina-try ko na mas lean down lahat. Mas sexy, pang-model.

"Yun ang target ko ngayon."

Pero kung may best asset man daw siya physically, ito ay ang behind o ang butt niya.

"Ang daming bumabati... seryoso!"

Medyo natatawa niyang sabi, "Sinasabi nila, ’Ang laki ng puwet mo.’ Pati mga babae, sinasabi, ’Mas malaki pa sa akin!’

Nang may nagbiro kung ipapasilip niya ang best asset niya sa Cosmo Bachelor Bash, ang sagot ni Enrique: "Baka, sige!"

Kung titingnan, parang "game" naman si Enrique sa pagpapaseksi. Kung saka-sakali ay payag ba siyang gumanap ng sexy or daring roles?

"Oo naman po," sagot ng binata.

"Basta yung Star Magic, mga handlers ko, mga managers ko, kung sa tingin nila tama siya for my image, okay lang po talaga.

"Pero kung sa tingin nila, sobra na siya for my image, yun, susundin ko po sila kung anuman ang desisyon nila.

"Pero kung ako naman po, sanay na ako sa mga roles na ginagampanan ko ngayon.

"Siguro po kung dumating man ang time, titingnan ko pa rin po kung paano ko ia-approach.

"Hindi ko pa po talaga alam."

KATHRYN BERNARDO. May nililigawan ba siya ngayon?

"Ngayon, sabi nila si Kathryn [Bernardo] daw. Pero, hindi naman. Wala naman po ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro super ano [busy] sa trabaho, saka dito, sa Cosmo.

"Kung may babae pa sa isip ko, e, di siyempre, hindi ka makaka-concentrate, e, napakalaking bagay po.

"Siguro for me, kung wala masyadong trabaho... Who knows, kung merong babaeng dumating sa buhay, e, di okay.

"Kung wala, e, di wala."

Dagdag pa niya, "Kami naman ni Kathryn, good friends kami."

Ang alam daw ni Enrique ay hindi pa puwedeng manood si Kathryn sa Cosmo Bachelor Bash dahil wala pa itong 18 years old.

Aniya, "Invite ko sana siya kung mahilig siyang manood sa mga ganoon. Kaso, alam ko may age limit.

"So, hindi pa siya puwede dahil sa age niya. Hindi siya papayagan.

"At saka baka magalit si Tita sa akin, yung mom niya.

"Siguro yung mga friends ko lang, sila yung i-invite ko.

"Kasi, sila yung nagte-text sa akin noong makita nila ang magazine. So, sila siguro yung iimbitahan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN