Mariel Rodriguez admits negotiating for possible transfer to TV5, but has yet to give "final answer"

"Right now, wala pang final decision. Pero hindi ko naman idinedenay na mayroon talagang pag-uusap na nagaganap," says Mariel Rodriguez about negotiations for her possible transfer to TV5.


This week ay pumutok ang balitang nagbabalak na raw lumipat sa TV5 ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Sa kaso ni Mariel, marami ang nagtaka kung bakit halos araw-araw ay binabati siya sa ere ni Willie Revillame sa programa nito sa TV5 na Wil Time Bigtime.

Dating magkasama sina Willie at Mariel sa defunct noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News kay Mariel sa dressing room ng Happy Yipee Yehey! kahapon, September 8, hindi naman niya itinanggi na may negosasyong nangayayari ngayon sa pagitan nila ng Kapatid network.

Ani Mariel, "Actually there is an offer. I was offered by Kuya Willie.

"I think everything is under negotiation.

"There is no definite answer now, but I already spoke to the management of ABS. They knew about my situation.

"Sabi ko nga, very grateful ako sa dalawa.

"Very grateful ako sa ABS, grateful din ako kay Kuya Willie.

"Kasi naging household [name] din ako dahil sa Wowowee, nang dahil sa ABS.

"Sabi ko, it’s nothing personal at all. I will always love ABS, I will always love Kuya Willie.

"Nothing personal, trabaho lang.

"Right now, wala pang final decision. Pero hindi ko naman idinedenay na mayroon talagang pag-uusap na nagaganap."

Inamin naman ni Mariel na wala siyang kontrata sa ngayon sa Kapamilya network.

"Isa ’yan sa rason kung bakit nagkakaroon ng negosasyon," sabi niya.

"Kasi may mga projects na sa kasamaang-palad, hindi natutuloy, pero napag-usapan.

"Siyempre, I love ABS. Hindi naman ako humingi ng kontrata.

"Per show ang contract ko sa kanila, pero ngayon wala akong kontrata.

"Hindi siya maganda kasi wala kang security, di ba?

"Di ba, sinabi ko sa iyo, yun ang kailangan ko ngayon, security.

"E, kasi nga, nagkaroon nga ng certain instances na yung mga napag-usapang gagawin, di natuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang naman mag-host, masaya na ako dun."

Mayroon bang counter offer ang ABS-CBN kay Mariel?

"Mayroon naman," sagot niya.

"Kaya nga sabi ko, nung nag-meeting ako, I love ABS, thank you very much.

"I kept telling them, ’There’s nothing personal. Thank you mahal ninyo ako, mahal na mahal ko rin kayo.’

"Basta there’s nothing personal, saka wala pa naman akong final answer.

"Malalaman n’yo naman kung mayroon na akong napagdesisyunan."

ROBIN’S PURPOSE. Tinanong din namin si Mariel kung kasama ba si Robin sa lilipat kung matutuloy nga siyang sumakabilang-bakod sa TV5.

"Yung kay Robin, sa totoo lang, hindi ako makapagsalita. Kasi yung mga negosasyon na nagagawa about me, ako lang.

"I cannot speak for him, ha.

"Of course, alam niya ang mga nangyayari.

"Si Robin, ano ’yan, bilang asawa, very supportive sa akin ’yan, alam naman ninyo naman yun.

"Lalo na ngayon I’m already married, I really have to think about my future, kailangan na natin ng security.

"Hindi na tulad dati na dalaga ka pa. Ngayon, kailangan talagang makapag-ipon para sa future," saad niya.

Kumusta naman ang nangyaring pag-uusap nila ng ABS-CBN management?

"Naiintindihan nila, alam nila where I’m coming from.

"And I was very honest naman when I talk to them.

"Hindi naman ako parang ayoko na, kasi it’s not somehting like that at all. Just really business, work lang, di ba?

"Kasi siyempre, alam n’yo naman si Robin, lahat ng kinikita ni Robin, ipinamimigay niya.

"As in lahat ng pera niya, ipinamimigay niya. "

Ano ang ibig niya sabihin na "ipinamimigay" ng asawa niya ang kinikita nito?

Ayon kay Mariel, "Hindi ako against that, humahanga ako sa kanya na ginagawa niya yun, ang dami niyang natutulungan.

"Robin is working not because gusto niyang yumaman, gusto niyang sumikat, but just because he wants to help people. That’s his purpose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naiintindihan ko yun dahil kung hindi ko naiintindihan, hindi niya ako pakakasalan, hindi kami magkakasundo, hindi kami magge-get together.

"Bilib na bilib ako na ganun siya. Robin is the most selfless person na kilala ko."

Kuwento pa niya, "Alam ninyo, nung isang araw, galing siya sa meeeting, pagod siya...

"Bago yun matulog, mag-iiwan muna ng note na nagpapadala ng pera sa Basilan.

"Wala siyang kamag-anak sa Basilan, pero ganun siya talaga. Nung isang beses, sa Cotabato.

"Hindi niya sinasabi ’yan, hindi siya nagpapa-interview.

"Bago siya umalis, nag-iwan ’yan ng pera sa Bilibid.

"May nabasa ba na ganun? Wala. May nasulat ba na ganun? Wala, kasi hindi niya sinasabi ang mga ginagawa niya.

"Kaya tuloy ako, dapat ako rin, dapat makatulong rin ako sa iba.

"Nagiging inspirasyon siya talaga.

"At hindi sa pagyayabang, proud ako na sabihing isa siyang mabuting tao."

NOTHING BUT THE TOOTH. Nilinaw naman ni Mariel na "sakit sa ngipin" ang dahilan kung bakit nawala siya ng ilang araw sa Happy Yipee Yehey!.

"Okay na, babalik pa ako [sa dentist] siguro mga three weeks from now.

"Nagpapa-root canal ako, tapos yung nerve, hindi pa siya patay, so sobra siyang masakit. Five injections yata ako!

"Hindi, mayroon nga akong dental certificates. Nagbigay ako ng dental certificates.

"E, di ba, nagkasabayan yung mga lilipat, tapos wala ako dito. Baka mas madaling mag-speculate ang mga tao, alam mo naman.

"So, mabuti na yung mayroon kang pruweba. Ayaw nga nilang tanggapin, sabi ko, ’Hindi, heto, mayroon ako.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN