JC Tiuseco continues to get therapy after his knee operation

Every week ay may therapy session si JC Tiuseco, pero nakakapag-workout pa rin daw siya, hindi lang daw kasing tindi noon dahil maingat siya sa kanyang tuhod. Kailangan raw na bumuti agad ang tuhod ni JC dahil malapit na siyang mag-taping para sa bagong afternoon drama series na Kokak na pagbibidahan ni Sarah Lahbati.


Sobra ang pag-iingat ni JC Tiuseco sa kanyang pagkilos dahil hindi pa totally healed ang inoperahan niyang tuhod.

Inoperahan ang isang tuhod ni JC sanhi ng isang injury na natamo niya sa isang basketball game. Nagkaroon siya ng torn ACL or Anterior Cruciate Ligament. Na-delay ng ilang buwan ang pagpapaopera sana ni JC dahil may tinatapos pa itong drama series that time na Sisid.

After his operation, ilang buwan din siyang magpapa-therapy para bumalik sa dati ang kilos ng tuhod niya.

Every week ay may therapy session si JC, pero nakakapag-workout pa rin daw siya, hindi lang daw kasing tindi noon dahil maingat siya sa kanyang tuhod.

Kailangan raw na bumuti agad ang tuhod ni JC dahil malapit na siyang mag-taping para sa bagong afternoon drama series na Kokak na pagbibidahan ni Sarah Lahbati.

Ang role kasi na naitoka kay JC ay isang mandurukot at maraming takbuhan siyang eksena na gagawin.

"Yun ang role na binigay sa akin ni Direk Ricky Davao. Bagay daw sa akin yung role kasi na-impress siya sa kontrabida role ko sa Sisid. Kaya ko raw ang ganitong klaseng character.

"Yung role ko [dati] nag-umpisang mabait, hanggang sa maging kontrabida siya. Dito naman sa Kokak, masama naman ako sa umpisa, pero magiging mabait naman sa pagdating sa ending.

"Kailangan lang ay magpagaling ako agad kasi maraming takbuhan at patalun-talon akong gagawin sa mga first scenes ko. Pinagdarasal ko na maging okey na ako kapag nag-taping na.

"Bumubuti naman, kahit paunti-unti. Hindi ko lang puwedeng ipuwersa nang husto at baka mamaga yung tuhod.

"Kaya nga every week nasa therapist ako para natitingnan nila kung may improvement. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. Gusto ko rin na gumaling siya nang husto para tuluy-tuloy ang trabaho natin," ngiti pa niya.

Nakilala na niya ang magiging bida sa Kokak na si Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-workshop na raw sila dahil isa si JC sa magiging leading man ni Sarah bukod kay TJ Trinidad.

"Maganda at mabait si Sarah. Hindi nga siya puwedeng mag-heels kapag katabi ko siya kasi mas matangkad pa siya sa akin," tawa niya.

"Nag-workshop na kami para makilala namin ang isa’t isa. Marami raw kasi kaming magiging eksena bukod sa mga eksena niya with TJ Trinidad.

"Nakapagkuwentuhan na kami ni Sarah at masaya siyang kausap. Nagkasundo nga kami kaagad. Kaya pagdating sa taping, hindi na kami maiilang sa bawat isa."

Tutok sa kanyang career si JC at hindi na muna sa kanyang personal na buhay. Walang nali-link sa kanya ngayon at mas gusto raw niya iyon dahil mas tahimik at walang problema.

"Okey na ako sa ganito muna. Walang stress at mas nahaharap mo nang mabuti ang work mo.

"Kapag may love life ka kasi, pati iyon kailangan ayusin mo, e. Kahit na ayaw mong humalo siya sa trabaho mo, hindi mo mapipigilan, e.

"Kaya it’s better this way na single ka at wala kang ibang tao na iniisip. Yung sarili mo na lang at ang trabaho mo ang ayusin mo," diin ni JC.

Huli siyang na-link ay kay Maxene Magalona na matagal na raw niyang hindi nakikita.

"Mas madalas ko pang makita yung brother niyang si Elmo [Magalona]. Okey naman kami ni Elmo, e. Kapag nagkikita kami sa labas or sa GMA-7, bumabati siya.

"Si Maxene, matagal na kaming hindi nagkikita talaga. May one year na yata.

"Okey lang naman kung sakaling magkita kami. Babatiin ko naman siya. Kung hindi siya mag-respond, okey lang. At least naging civil ako sa kanya," pagtatapos pa ni JC Tiuseco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN