Shaina Magdayao breaks silence on reported breakup with John Lloyd Cruz

Shaina Magdaya on breaking her silence: "Parang sumusobra na, e. Para bang dahil lang siguro nasanay sila dahil hindi ako nagsasalita. Dahil lagi ko na lang pinipili na tumahimik, kakayan-kayanin na lang nila ako. So, I figured gusto kong gawin nga ito, Tito Boy, this interview para once and for all matapos na ito."


Sa wakas ay nagsalita na rin si Shaina Magdayao tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nilang tatlo ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz at ang ex-girlfriend nitong si Ruffa Gutierrez.

Pumayag sa isang exclusive interview kay Boy Abunda si Shaina kasama si John Lloyd, at magkasama nga nilang hinarap ang mga intriga tungkol sa kanilang relasyon.

Ang excerpts ng naturang interview ay ipinalabas kagabi, October 26, sa TV Patrol at Bandila.

Inilahad ni Shaina sa naturang interview ang kanyang sama ng loob

"Parang sumusobra na, e.

"Para bang dahil lang siguro nasanay sila dahil hindi ako nagsasalita.

"Dahil lagi ko na lang pinipili na tumahimik, kakayan-kayanin na lang nila ako.

"So, I figured gusto kong gawin nga ito, Tito Boy, this interview para once and for all matapos na ito."

Nakiusap naman si John Lloyd sa ilang sektor na tigilan na ang pag-uugnay ng ibang tao o isyu sa kanila.

"Sa mga nakikisawsaw sa pinagdadaanan namin... lalo na dun sa nagsasamantala sa pinagdadaanan namin.

"Bilang magkarelasyon, bilang mga tao, parang di ko kayang hayaan na tapak-tapakan, bastusin [na lang kami]..." sabi ng aktor.


ORIGIN OF THE ISSUE. Nagsimula ang kontrobersiya nang pumutok ang balita tungkol sa diumano’y split up nina John Lloyd at Shaina, na agad ding naisulat dito sa PEP. (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa isang interview ay hindi direktang inamin ni John Lloyd na break na nga sila, bagkus ay sinabi nitong may malalim na pinagdaraanan ang relasyon nila. (CLICK HERE to read related story.)

Aniya, "To be honest, hindi maayos yung mga bagay-bagay ngayon.

"Yun lang ang kaya kong sabihin sa ngayon, yung mga bagay na yun is not looking good.

"I’d rather na tumahimik na lang ako hanggang sa maayos sana namin o mabigyan ng closure kung anuman."

Nadadawit naman ang pangalan ni Ruffa dahil sa diumano’y pagseselos ni Shaina rito na naging dahilan daw ng pag-aaway nina John Lloyd at Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-ugat ito sa nangyaring pagtatagpo nilang tatlo sa birthday concert ni Vina Morales last October 17.

Pinag-usapan nga ang maiinit na tweets ni Ruffa pagkatapos ng naturang event tungkol sa isang insecure na tao na nagte-text sa kanya.

Sa showbiz talk show ni Ruffa sa TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed, nakumpirmang ang nag-text sa kanya ng "Please leave us alone," ay walang iba kundi si Shaina. (CLICK HERE to read related story.)

Ayaw idetalye ni Ruffa ang iba pang text na natanggap niya mula kay Shaina, pero paglalarawan niya "it was not very nice and it was not very kind" ang nilalaman nito.

Sabi pa ni Ruffa, tinawagan daw siya ni John Lloyd para mag-sorry dahil nadadamay ang actress-TV host sa gulo nila ni Shaina.

RUFFA IS NOT THE REASON. Sa interview ni Boy, natawa lang si Shaina sa isyung si Ruffa ang dahilan kung bakit on the rocks ang kanilang relasyon ni John Lloyd.

"Tito Boy, hindi po," pagtanggi ni Shaina.

Gayunpaman, ayaw namang sabihin nina John Lloyd at Shaina ang totoong dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Ayon kay John Lloyd, "They can speculate kung ano yung gusto nilang sabihin, kung ano yung istorya nila na ’Ay, kaya sila nagkakaproblema, kaya sila hiwalay ngayon dahil kay ganito.’

"Wala sa kalingkingan ng kahit na sinong babae ang totoong dahilan ng pinagdadaanan namin ngayon.

"Ako ang magsasabi kung sino o ano yung totoong dahilan."

CONFIRMS TEXTING RUFFA. Inamin naman ni Shaina na nagkaroon nga ng palitan ng text messages sa pagitan nila ni Ruffa.

Kuwento ni Shaina, "Nag-text siya kay John Lloyd right after we left the party and I replied.

"I told her to leave us alone, gaya ng gusto kong sabihin sa kanya.

"Ako kasi yung tipo ng tao na sasarilinin ko muna, hindi ko muna sasabihin hangga’t kaya ko pa but lately, di ko na kinaya [ang problema]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa gitna ng pagsubok sa kanilang relasyon, malaki ang pasasalamat ni Shaina sa suporta ng kanyang pamilya.

Aniya, "Doon ko nakikita na hindi pala ako nag-iisa, kasama ko ang pamilya ko. Sobra ang suporta nila sa akin."

Samantala, sinabi ni Boy sa Bandila na umalis kahapon si Shaina papunta ng Amerika.

Pagbubunyag pa ni Boy, originally ay interview lang ito kay Shaina. Pero nagdesisyon daw si John Lloyd na sumali para mabuo raw ang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN