Ritz Azul says she’s always been open to suitors but, "Wala, e. Walang nanliligaw."

Eighteen years old na bukas, January 11, si Ritz Azul, kaya naman mas maluwag na siyang tumanggap ng manliligaw ngayon. Posible ring pumasok siya sa isang relasyon. Pero kahit na bukas si Ritz sa posibilidad ng pag-ibig, tila nalulungkot siya dahil noon pa man ay walang umaakyat ng ligaw sa kanya.

Aniya, "Sabi ko nga, ’Ano ba’ng meron sa ’kin, bakit ang aloof ng mga boys sa ’kin? Hindi naman ako ganoon kapan


Bukas, January 11, ay 18 years old na ang Kapatid actress na si Ritz Azul.

Pero hindi tulad ng ibang dalaga na nangangarap magkaroon ng magarbong party o cotillion sa kanilang debut, mas pinili ng Glamorosa star na ipagdiwang ito kasama ng mga bata sa kanilang lugar sa Pampanga.

Doon ay kagawad siya ng Sangguniang Kabataan.

"Mas gusto ko sanang magbigay lang sa mga bata, instead na ibigay lang sa cotillion, gastos.

"Ibigay na lang sa mga bata, at least makikinabang pa sila," saad niya.

Kahit noong bata pa lang daw si Ritz ay hindi niya pinangarap magkaroon ng isang magarang debut.

Nagbiro pa ang aktres na kung pagsusuot lang naman ng gown o pakikipagsayaw sa mga binata sa 18 roses dance ang habol niya, nakaranas na raw siya ng mga ito sa kanyang mahigit isang taon sa showbiz.

Nagpapasalamat lang siya nang husto sa kanyang TV5 family dahil ginawa nilang espesyal ang kanyang birthday ngayong taon.

Sa naganap na press conference ng Glamorosa kaninang tanghali, January 10, sa Casa Filipino restaurant sa Quezon City, sinorpresa siya ng PR staff ng TV5 ng isang cake at inawitan din ng "Happy Birthday" ng mga press.

Napaluha pa nga siya habang nagpapasalamat sa lahat ng tulong sa kanyang career ng mga taong nasa paligid niya.

BOYFRIEND AT 18? Ngayong dalaga na si Ritz, handa na rin kaya siyang pumasok sa isang relasyon?

May nanliligaw na ba sa kanya ngayon?

"Wala, e. Walang nanliligaw.

"Ewan ko nga, e, feeling ko natatakot sa akin yung mga lalaki," sabi niya.

Ano sa tingin niya ang dahilan nito?

"Hindi ko rin alam. Yun nga rin ang tanong ko sa sarili ko.

"Kahit nung hindi pa ako nag-artista o nagpa-politics, walang lumalapit na boys.

"Sabi ko nga, ’Ano ba’ng meron sa ’kin, bakit ang aloof ng mga boys sa ’kin? Hindi naman ako ganoon kapangit.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun yung naiisip ko.

"So talagang puzzle, parang mystery para sa akin ’yon."

Pero open ba ang parents niya na magkaroon siya ng manliligaw?

"Oo. Hindi naman sila nagko-close ng wall sa mga manliligaw. Pati naman ako."

Hindi naman kaya masyadong overprotective sa kanya ang pamilya niya kaya walang makaakyat ng ligaw sa kanya?

"Protective sila, pero hindi naman yung sobrang parang hawak na nila yung leeg ko."

May mga limitations ba na ibinibigay sa kanya ang kanyang magulang pagdating sa pakikipag-date? Mayroon ba siyang curfew kapag lumalabas siya?

"Wala namang curfew. Kapag lalabas lang, siyempre dapat ipaalam ko sa kanila.

"Kapag may times na tingin nila hindi maganda yung may influences ng iba, sasama sila.

"Wala namang particular [person], pero kapag yung location, katulad ng bar, mga gano’n, sumasama sila.

"Kasi ayaw pa nila akong maano sa mga hard drinks, o kaya baka ma-influence ako na manigarilyo or what.

"Ayaw nila ng gano’n at ayaw ko rin."

A NEW RITZ IN GLAMOROSA. Samantala, sa mga darating na araw malaki ang magiging pagbabago sa character ni Ritz na si Gisele sa Glamorosa.

Mawawala na ang kanyang pilat sa mukha.

At magiging mas matapang na raw ito.

Handa na niyang kalabanin ang kontrabida sa buhay niya na si Ariana, na ginagampanan naman ni Meg Imperial.

Ayon kay Ritz, malaki ang natututunan niya sa kanyang mga co-stars sa programa— tulad nina Lorna Tolentino at Alice Dixson—kung paano i-handle ang pagbabago sa kanyang role.

Naging malaking tulong din umano ang dati niyang co-star sa Mga Nagbabagang Bulaklak—si Sheryl Cruz—sa kanyang pag-arte bilang isang matapang na karakter.

"Yung natutunan ko kay Ms. Sheryl Cruz, kapag [aarte] ka na palaban ka, dapat lagi kang naka-chin up, lagi kang proud sa sarili mo.

"Yung mga natutunan ko naman kay Ms. Lorna Tolentino, na yung... Kasi kapag nagre-rehearse po kami nila Ms. Lorna, lagi niyang sinasabi, halimbawa, yung line na ito dapat mas madiin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutunan ko sa kanya yung kung paano magbigkas ng mga lines sa eksena.

"Kay Ms. Alice Dixson naman, natutunan ko din kung paano dalhin yung sarili.

"Sobrang nagpapasalamat po ako sa kanila dahil naging parang magulang na rin namin sila sa set, naging acting coach namin sila sa set, at proud po kami na tinuturuan nila kami at pinagkakatiwalaan nila kami."

Patuloy na mapapanood ang Glamorosa sa primetime slot ng TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN