Part 1 Karylle on It’s Showtime! moving to noontime slot: "We’re taking this challenge as a family."

"So, I think sa napag-usapan namin, we’re taking this challenge as a family, so I don’t think we can go wrong naman, e, if we’re all together," says Karylle about their talent-search program, It’s Showtime!, moving to noontime slot.


Simula sa Lunes, February 6, ay mapapanood na ang Showtime sa noontime slot ng ABS-CBN bilang kapalit ng Happy Yipee Yehey!, na magwawakas na sa February 4.

Ang Showtime na rin ang makakatapat ng longest-running noontime program sa bansa na Eat Bulaga!, na napapanood sa GMA-7.

Sa presscon ni Karylle para sa bagong napkin brand na Jeunesse kahapon, February 1, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actress kung may kaba ba silang nararamdaman sa pagtatapat ng kanilang programa at ng Eat Bulaga!.

Isa si Karylle sa regular hosts ng Showtime, na makikilala na ngayon bilang It’s Showtime!.

Ayon kay Karylle, "I think, yung sa mga napag-usapan namin, siyempre parang nagpa-family meeting kami, e.

"And we were talking about...sobra akong natuwa nang narinig ko yung words na yun: ’We’re not here to compete with anyone, we are just going to continue making people happy.’

"And I think yun talaga yung point, e.

"Pag masyado mo kasi inisip yung ratings, medyo mali yung goal, di ba?

"So, I was talking nga din to my director from Singapore and he was telling me, ’You know, ratings is the old school way of looking at things.’"

Ang tinutukoy ni Karylle ay si Cheek Tonguein, na direktor ng kinabibilangan niyang Pan-Asian musical series na The Kitchen Musical.

Aniya pa, "So, I mean, this is from somebody outside of the country.

"So his opinion may or may not matter to us, may or may not apply, but there are more ways now to see the success of a program.

"So, I’m just keeping an open mind to see how we can talagang gauge the success of a program.

"And maybe sometimes, minsan hindi naman based do’n sa numbers ang isang program."

Kuwento nga ng dating hurado na ngayo’y mainstay na ng Showtime, "Kasi no’ng akala nga ng mga tao na mawawala yung Showtime, parang nalungkot sila, especially sa TFC [The Filipino Channel].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yun daw yung ano nila, yung source of joy.

"Sabi ko nga, ako nga rin no’ng nasa Singapore ako, four months... Ang Showtime pinapalabas nila at midnight, pinapalabas din nila lunchtime, mga 10, 10:30.

"Pero may replay ng midnight at yun yung naaabutan ko, kasi siyempre may trabaho pag umaga.

"And mawawala talaga yung lungkot mo, e. Kasi parang sa tingin mo, nakikitawanan ka sa mga tao dito [sa Pilipinas]."

Noong January 28, Sabado, marami ang nagulat sa naging episode ng Showtime kunsaan tila nagpapaalam na ang mga host sa "madlang people."

Pero hanggang sa huli ay walang pagpapaalam na nabanggit ang sinuman sa kanila. Kaya’t maraming nagtaka kung bakit naging emosyunal ang mga bumubuo nito.

(CLICK HERE to see related article.)

Yun pala, magbabalik din ang Showtime pagkalipas ng isang linggo ngunit sa panibago na nitong timeslot.

Gaano kalaki ang pressure ngayon sa mga host, lalo na’t nilipat ang kanilang programa sa noontime?

Ayon kay Karylle, "Nakakatuwa naman kasi sa Showtime family, it’s ano, e, sobrang bonded lahat kami.

"Especially no’ng pumunta kami ng Dubai, marami na rin...

"Actually, sila [original hosts] marami nang napagdaanan since before.

"Kasi new additions lang naman kami [ni Billy Crawford].

"Basta madami nang pinagdaanan, so two years."

Dadag pa niya, "And minsan nagtataka yung mga tao kung bakit sobrang iyakin namin.

"Kasi yung closeness namin, siguro minsan napi-feel namin gano’n talaga siya in certain days.

"Like no’ng Saturday, yung thank-you episode na nagpapasalamat kami sa isa’t isa.

"So, I think dahil sobrang walang iwanan yung grupo, lumalakas yung loob ng bawat isa na ganyan.

"Kahit sa ultimong mga joke-joke na waley, di ba? Parang gano’n.

"So, I think, sa napag-usapan namin, we’re taking this challenge as a family.

"So, I don’t think we can go wrong naman, e, if we’re all together."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN