Annabelle Rama says she doesn’t need a public apology from Nadia Montenegro

Annabelle Rama, in a good mood after the court hearing this morning, said: "Siyempre naman, dahil wala akong narinig sa kanilang kasinungalingan. Gano’n naman ’yon, e. Kaya ako may nasabi dahil puro kasinungalingan ang nababasa ko, puro kasinungalingan ang naririnig ko kaya umiinit ulo ko."


Naging mapayapa ang naganap na hearing kanina, February 15, sa pagitan nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga media outfits na dumalo sa hearing kanina sa opisina ni Fiscal Diovie Calderon, sa 4th floor ng Quezon City Justice Hall.

Ayon kay Atty. Howard Calleja, abugado ni Annabelle, naganap ang naturang hearing upang i-consolidate ang mga kasong isinampa ng magkabilang kampo laban sa isa’t isa sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Isang fiscal na lang ang hahawak ng mga kasong kanilang isinampa, hindi tulad noon na dalawang prosecutors pa ang may hawak—sina Prosecutors Leizel Aquiatan Morales at Perfecto Chua Cheng.

Ang kampo ni Nadia ay nagsampa ng mga kasong child abuse, dalawang kaso ng libelo, falsification of documents, at grave oral defamation laban kay Annabelle.

Si Annabelle naman ay nagsampa ng kasong attempted kidnapping laban kay Nadia.

Ayon kay Atty. Calleja, "Kung maaalala ninyo, bago ang ating fiscal. So bale kinonsolidate lang, pinag-usapan lahat ng kaso.

"So, sabi nga, ’yong kabilang kampo magpasa ng affidavit, mag-submit ng kanya-kanyang affidavit, para sa susunod na hearing.

"Na-reset lang para magpasa ng mga kanya-kanyang affidavit sa susunod na hearing.

"Ito’y investigation level, bahala na ang fiscal sa imbestigasyon. Kung ano man ang iutos ng fiscal, e, kami ay susunod lang.

"Ang susunod na hearing, magbibigay na kami ng kanya-kanyang affidavit."

Nakatakda ang susunod na hearing sa Pebrero 22.

GOOD MOOD. Kapansin-pansin na maganda ang mood ni Annabelle kaninang umaga, taliwas sa mga naunang pagdalo niya sa hearing kung saan sumambulat ang galit niya kay Nadia.

Medyo nagulat ang ibang reporters nang pagdating ni Annabelle ay nagbiro pa siya: "Ano ba ’yan, para akong boksingero. Ang daming nakasunod na camera sa akin."

Ayon sa talent manager, wala siyang narinig na "kasinungalingan" kaya hindi uminit ang kanyang ulo sa pagkakataong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre naman, dahil wala akong narinig sa kanilang kasinungalingan," pahayag ni Annabelle.

"Gano’n naman ’yon, e. Kaya ako may nasabi dahil puro kasinungalingan ang nababasa ko, puro kasinungalingan ang naririnig ko kaya umiinit ulo ko.

"Ngayon, wala naman kami... wala naman kaming salita, e."

Sabi pa ni Annabelle, nakatuon lang ang kanyang atensiyon sa mukha ng fiscal at wala na siyang nakikitang ibang tao sa loob ng kuwarto.

Naniniwala si Annabelle na unti-unti nang umuusad ang kaso, na ikinatuwa naman niya.

Pero sa kanyang opinyon, "pera lang" ang dahilan ni Nadia sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya.

Ani Annabelle, "Pera dahil gusto niyang ma-manage ang anak niya, ginamit niya, iniskandalo niya ako, kung ano inimbento niyang salita para bumigay ako.

"Hindi ako bumibigay, ’Day!

"Dapat dinaan na lang sa usapang maayos, baka ni-release ko pa ang anak niya sa kanya na ako naman ang nagpagod, ako naman ang nag-develop, ako naman ang gumastos, ’tapos siya naman gustong kumain, ’tapos babawiin niya sa akin nang basta gano’n na lang.

"’Tapos pagsasalitaan niya ako ng kung anong salita, sabihin niyang binubugaw ko ang mga anak niya.

"Nadia, humarap ka nga sa camera, itanong mo sa sarili mo—camera, salamin, sa lahat tumingin ka—sino ang bugaw sa ating dalawa?

"Ikaw makasagot niyan."

NO PUBLIC APOLOGY. Samantala, habang tumatakbo ang kaso’y napag-usapan ang kagustuhan diumano ng kampo ni Annabelle ng public apology mula kay Nadia.

Ito’y iminungkahi raw ng abugado ni Annabelle sa kanya.

Pero ipinaliwanag ni Atty. Marie Glen Abraham, abugado ni Nadia, "It’s hard naman for my client to settle, especially there’s a child abuse case.

"The aggrieved party is the children, the daughters of Nadia."

Sinabi naman ni Annabelle na wala siyang balak na tumanggap ng anumang public apology mula kay Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sino ba nagsasabi?" balik na tanong ng talent manager nang hingin ng PEP ang reaksiyon niya tungkol sa naging sagot ng kampo ni Nadia.

"Ako, nagsasabi sa akin, lawyer ko, okay? Ang sinasabi ng lawyer ko. Kung ako, wala sa record ko ’yon, ’Day, never!

"Ako inumpisahan, ako magtatapos.

"Pero wala akong... hindi ko pa sinasabi sa buong buhay ko kapag mayro’n akong dinemanda, na kung nagdedemanda ako o may nagdemanda sa akin, never akong nanghingi ng tawad.

"Ako, ako hindi ko kailangan mag-public apology.

"Wala akong kasalanan at never akong nagsasabi sa kanya.

"Sinabi sa akin ng lawyer ko, kung sasabihin daw ng kabila na gusto nilang mag-ayos, public apology ang hihingin ko, ’yon ang sinasabi ko.

"’Di ko sinasabi ngayon na mag-public apology, bakit kailangan pa ba ’yon?

"Tutuloy na namin, nag-e-enjoy na ako dito, a!

"Ako, kapag may dinemanda kami, hanggang sa Supreme Court, lumalaban, di ba?

"E, ako rin panalo, di ba?"

POWER TRIPPING. Sa kabilang banda, sinabi ni Nadia na "nagpa-power trip" lang daw si Annabelle.

Ito’y kaugnay ng pagtanggi ni Annabelle na pakawalan ang mga anak ni Nadia na sina Ynna, Anykka, Ayisha, at Sophia Asistio mula sa kanyang talent management company na Royale Era.

Ani Nadia, "The manager, she will protect the welfare for talents.

"For a year and a half, she [Annabelle] has been ruining the names of her talents.

"So, I don’t know how we can even work together.

"And ’yong hindi niya papakawalan, power trip na lang niya ’yon—that’s a power trip.

"I don’t think anyone has the right to tell the parent na, ’Hindi ko papakawalan ang anak mo.’

"And I will fight until my children are free from all this evilness."

Ang naging sagot naman ni Annabelle sa paratang na ito ni Nadia: "Ako, nagpa-power trip?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka siya ’yon dahil nagmamadali siyang matapos ang kaso!

"Kung may utak ka, Nadia, maghintay ka, gano’n talaga ang proseso ng hearing.

"Abutin tayo ng ten years, ’Day!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN