Dingdong Dantes enrolls in a Bacolod university; stresses importance of education

Dingdong Dantes on importance of education: "Ever since naman, importante ang education. Isang bagay yun na madadala mo kahit saan at kayamanan mo ’yan. So, kapag meron kang gustong gawin at alam mo na kung papaano, it’s much easier kesa sasabak ka sa isang bagay na doon ka pa lang matututo as you go along the way. I just wanna make life easier and I’m always open to new things, learn new things. Kumbaga, never akong nakukuntento. Al


Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa shooting ng isang bagong TV commercial sa Marcos Hi-Way, Marikina, noong Martes ng gabi, February 21.

Pero bago pumunta sa TVC shoot ay napag-alaman namin na nanggaling pa si Dingdong sa Bacolod noong araw na yun.

Nagpunta ang Kapuso actor sa Bacolod hindi dahil sa anumang showbiz commitment.

Ito ay para sa isang personal na rason—ang makapagpatuloy ng pag-aaral sa isang unibersidad doon.

Sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz commitments ay naisisingit pa rin pala ni Dingdong ang kanyang pag-aaral. At nangangahulugan din ito na kailangang magpabalik-balik siya sa Manila at Bacolod.

Paliwanag naman ni Dingdong dito, "Gusto ko lang tapusin ang college ko. Konti na lang.

"Naka-enroll ako ngayon sa West Negros University sa isang particular program na swak na swak sa schedule ko at saka sa lifestyle ko as a working student."

Pero ang malaking tanong namin sa kanya: bakit sa napakalayong Bacolod niya napiling pumasok?

"Kasi doon lang ino-offer ang course na kailangan ko," sagot ni Dingdong.

Ang kursong kinuha niya ay Techno Management, na isa ring business course.

Hindi pa masabi ni Dingdong kung kailan siya eksaktong matatapos sa kinukuhang kurso. Depende raw sa frequency ng pagpunta niya sa Bacolod.

Saad niya, "Once a month, nandoon ako. Inuuwi ko lahat ng kailangan kong aralin at sagutan.

"Then, I communicate with my professors via email.

"May kailangan lang na minimum requirements na kailangan nandoon ako physically sa school."

Bakit niya naisipang magbalik-eskuwela gayong nakatapos na siya ng isang kurso sa Ateneo de Manila University?

Double major siya noong college, pero kinailangan niyang i-give up ang isang major niya para ma-accommodate ang schedules niya sa showbiz.

Sabi ni Dingdong, "Konti na lang kasi, I only need a few units left to get my degree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nagkataon na yung school offered this course that is very suitable sa working condition ko.

"Tamang-tama na yung mga subjects na kulang ko, ino-offer rin sa course na yun."


THE IMPORTANCE OF EDUCATION. Para kay Dingdong, talagang napakahalaga ng edukasyon.

Makikita rin ito sa pagtatag niya ng Yes Pinoy Foundation na ang pangunahing hangarin ay magbigay ng scholarships sa ilang mga kabataan kapos sa buhay.

Pahayag pa ng aktor, "Yes, dati pa naman. Naghahanap lang ako ng chance.

"And I found the perfect opportunity nang malaman ko about this course.

"Posible siya especially for working students.

"It makes it easy kung hindi ka regular na estudyante na makakapasok araw-araw, pero nandoon ang commitment mo na makapagtapos at matuto."

Paano niya nagagawa ang lahat ng ginagawa niya ngayon—mapa-professional o mapa-personal man?

Ayon kay Dingdong, "Once a month lang naman yun. Pero ang importante riyan, yung inuuwing assignment.

"Kailangan talaga time management lang in between takes.

"Kapag wala kang masyadong ginagawa, I just make the most out of the time na libre ako."

Plano pa rin daw ni Dingdong na mag-Master’s pagkatapos niyang makatapos.

"Marami pa. Marami pang plans pero one step at a time," sabi niya.

Ang full-time business management ba o ang pagpasok sa pulitika ang mga paghahandang ginagawa niya ngayon?

Sa business side ay meron na siyang Krave restaurant sa Makati at iba pang mga negosyo, samantalang sa pulitika naman ay nakikitaan din siya ng potensiyal.

Pero ayon kay Dingdong, "You know, para sa akin, everything that you learn is always an addition to your knowledge.

"Kahit sabihin mo pang nabasa mo lang siya, kahit sa tao, lahat ’yan, nakakadagdag ng kaalaman.

"And having a formal education is also something different.

"Para sa akin, there are many things in life pa that is to be explored.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I believe, mas importante talaga ito para kung gusto kong mag-pursue ng ibang kaalaman pa, e, this I have to secure first."

What inspires him to do all these?

"Ever since naman, importante ang education. Isang bagay yun na madadala mo kahit saan at kayamanan mo ’yan.

"So, kapag meron kang gustong gawin at alam mo na kung papaano, it’s much easier kesa sasabak ka sa isang bagay na doon ka pa lang matututo as you go along the way.

"I just wanna make life easier and I’m always open to new things, learn new things.

"Kumbaga, never akong nakukuntento. Alam ko na marami pang bagay sa labas na puwede kong malaman."

MY BELOVED. Samantala, masayang-masaya naman si Dingdong sa outcome ng pilot week ng bago nilang primetime series ni Marian Rivera sa GMA-7, ang My Beloved.

Last week ito nag-pilot at nasa ikalawang linggo na ito ngayon.

Ayon kay Dingdong, "It’s successful and I’m very thankful to the people na nagbigay ng good reviews, kasi sobrang proud kami sa ginawa namin.

"I’m just very happy sa outcome."

Nag-number one din agad ang My Beloved sa pilot week nito, base sa ratings ng AGB Nielsen sa Mega Manila households.

Kaya sabi ni Dingdong, "Bonus talaga ang rating. Para sa amin, marami ang nagkakagusto ng show lalo na at mataas ang rating."

Tila nasabik din ang marami sa kanilang mga tagahanga sa muling pagtatambal nila ni Marian?

"Oo, e," pagsang-ayon ni Dingdong.

"Kasi, kami rin, nasabik din kami sa isa’t isa at magre-register yun on screen.

"And it only shows kung gaano kami kaseryoso sa project na ito and ayaw namin na ma-disappoint ang mga manonood."

Proud din si Dingdong na marami ang nagagandahan sa kuwento ng My Beloved, kunsaan gumaganap siya ng dalawang katauhan—ang sundo na si Arlan at ang mortal na Benjie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very promising... kaya iba talaga ang orihinal.

"It’s our first together yata na original. Masarap kasi marami kang puwedeng pag-eksperimentuhan," sabi niya.

Biro naman namin kay Dingdong, marami ang nakakapansin na tila mas gumuguwapo siya ngayon.

Nakangiti naman niyang sabi, "Ganoon yatang talaga kapag love mo ang ginagawa mo.

"Hindi paguwapo nang paguwapo, pa-inspire na pa-insipire!

"Salamat naman kung ganoon and I appreciate all comments—positive man or negative.

"Ang importante, sobrang inspired ako."

Kumusta sila ni Marian ngayong magkatrabaho silang muli sa My Beloved?

"Much better. Never been this happy especially working together," nakangiting sagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN