Jed Madela denies sending hate e-mails and text messages to Universal Records big boss

"Hindi ako yung tipong magpaparinig, hindi ako yung tipo na magpapadala ng e-mails, I don’t work that way. Respet ’yun, dapat irespeto yun kasi boss yun, big boss ng Universal yun. I don’t stoop down to that level na talagang magpapadala ako ng mga e-mails o magte-text ng mga very negative remark sa kanila. It’s not me," says Jed Madela about rumors that he sends hate e-mails and text messages to universal records big bo


Sinagot ng singer na si Jed Madela ang balitang nagpapadala diumano siya ng hate e-mails at text messages sa big boss ng Universal Records na Ms. Kathlee Dy-Go.

Ito ay dahil diumano sa hindi kuntento ang ASAP mainstay sa pagpapalakad ng Universal sa kanyang recording career.

Isa raw sa ikinakasama ng loob ni Jed ay ang hindi pantay na promo na ibinibigay ng naturang recording company sa mga album nila ni Christian Bautista.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jed, kaagad niyang nilinaw na walang katotohanan ang lumabas na mga balita.

"It’s not true, it’s very unlikely of my personality to bash people.

"Ako yung tipo na ’pag may problema at kaya namang ayusin, inaayos na agad.

"Hindi ako yung tipong magpaparinig, hindi ako yung tipo na magpapadala ng e-mails... I don’t work that way.

"Respeto yun, dapat irespeto yun kasi boss yun, big boss ng Universal yun.

"I don’t stoop down to that level na talagang magpapadala ako ng mga e-mails o magte-text ng mga very negative remark sa kanila.

"It’s not me," mariing sabi ni Jed.

NO RIVALRY WITH CHRISTIAN. Nilinaw rin ni Jed na wala talagang isyu sa kanila ni Christian.

"It’s funny kasi hindi namamatay-matay.

"I laughed at these issues kasi parang wala... senseless.

"Christian is a different artist compared to me.

"His crowd is different, his album is very much different from my album, so hindi puwedeng i-compare.

"The thing that is happening to his career now, it’s very good. I’m happy for him as a friend.

"For the longest time, kami, kami ang magkakaibigan dito, so for people to make up stories na may mga inggit factor, na may mga siraan..."

Kuntento rin daw siya sa kung ano ang itinatakbo ng benta ng kanyang album na Beyond Expectations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Jed, "I appreciate the effort ng mga tao na talagang sumusuporta ng album ko, yung tipong bumibili talaga ng album ko.

"That’s what matters, regardless whoever is selling well, or sinong naunang nag-gold o mag-platinum, it doesn’t matter.

"Kahit lima lang ang bumili ng album ko, basta the five people are very happy with the album, that matters to me."

Pinagpapasalamat na lang ni Jed na hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Christian sa patuloy na pagsasabong sa kanilang dalawa.

"Sobrang nakakatawa na, aaminin ko before, talagang I get offended, I got affected.

"Now, wala naman... Yung pakikiano namin sa isa’t isa, it’s still the same, okay naman kami.

"Pero siyempre, at the back of my mind, at his mind, may mga ganitong issues na mga lumalabas na nakaka-upset.

"I’m just happy that Christian is a good friend, good artist, a matured artist na he knows what is true and not."

ALBUM PROMOTION. Itinanggi rin ni Jed ang isyung tamad daw kasi siyang mag-promote ng album out of town at puro sa Metro Manila lang ang gusto niya.

"Hindi totoo ’yan!" bulalas niya.

"Ako, sobra when it comes to my album.

"Alam ng Universal ’yan, alam ng mga taga-Universal and taga-ASAP na sobra akong hands-on at sobra akong nakikialam sa lahat.

"As in, since day one na kinonceptualize ang album na ito until sa paggawa ng album, minsan sila na nga ang napipikon sa akin kasi feeling ko kasi, sobra talaga akong hands-on.

"For those detractors to say na tamad akong mag-promote out of town, puwede ba? Hindi naman Metro Manila lang ang crowd ko, di ba?

"So these people who are making up stories na tamad akong mag-promote are those people who have anything good to say.

"As I mentioned earlier, I didn’t have the chance to promote the album, sobrang busy with the Beyond Expectations Canadian tour last November.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"December came in, sobrang dami ng mga shows here and abroad.

"Canadian tour... March and April are the only months na talagang magsisimula na akong mag-promote ng album, but it doesn’t mean na tamad ako.

"It’s just that my sked doesn’t permit me to promote the album," saad niya.

MOVING TO ANOTHER NETWORK. May usap-usapan na lilipat na si Christian Bautista sa TV5, at siya raw ang maghu-host ng singing search ng network na Kanta Pilipinas.

Sa kaso naman ni Jed, bilang nagsimula siya sa ABS-CBN, wala raw siyang kaplano-planong lumipat sa ibang istasyon lalo’t masaya naman daw siya sa Kapamilya network.

"I don’t have any plans of leaving ABS.

"Sobra akong happy with how ABS is treating me.

"With ASAP, happy na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN